Enrique Gil looks forward to spending "most meaningful" Valentine's Day with Liza Soberano

Enrique Gil (shown with Liza Soberano) on how he feels about this year's Valentine's Day: "Siguro, ito lang ang Valentines ko na totoo para sa akin. Lalo na ngayon na pareho na kaming nag-mature, we're closer even more."


Kahit 18 anyos na si Liza Soberano, hindi pa rin daw panahon para pormal na ligawan ito ni Enrique Gil dahil sa iba't iba nilang mga prayoridad sa buhay.

Ganunpaman, handa naman daw si Quen na maghintay sa tamang panahon na maisisigaw niya sa buong mundo na silang dalawa na sa totoong buhay ng kanyang onscreen partner.

Bungad niya sa PEP. ph (Philippine Entertainment Portal), "Alam kasi ng tao, pag-18 na [siya puwedeng ligawan].

"Pero may priorities talaga ang tao, and you know, that's a factor.

"But you have nothing to worry about.

"We're happy kung anong meron kami, and basta masaya kami, walang problema na dapat. Happy lang."

WILLING TO WAIT. Ramdam naman daw niya na may magandang kalalabasan ang kanyang paghihintay.

Giit ng Kapamilya actor, "Oo naman, walang problema yun.

"Yung sa akin, kung labeling lang, ang sa akin, what you feel is what really matters most.

"What you feel for each other at the end of the day is..."

Nakausap ng PEP si Enrique sa grand presscon ng pinakabagong teleserye ng LizQuen na Dolce Amore na ginanap sa ELJ Building, ABS-CBN compound nitong nakaraang linggo.

Tinanong namin si Quen kung sinasabihan pa siya ni Liza ng, “Okey lang ba na maghintay ka?”

Mabilis niyang sagot, "Oo naman.

"Kaysa naman na... di ba, yung di kayo masaya.

"Kahit, 'Kayo, basta pareho kayo masaya, okey yun.'”

LOYAL. Aminado rin si Quen na hindi na siya tumitingin pa sa ibang babae, bukod sa kanyang ka-loveteam.

Aniya, "Oo naman.

"I mean, siyempre nakakapanibago, but you know...

"Ganun talaga. That's why you mature, and that's how it really goes.

"Again, I don't want to exchange it for anything in the world."

Desidido nga raw siyang maging girlfriend niya talaga si Liza.

Saad niya, "Yes, anytime.

"Pag tama na yung oras, pag okey na ang lahat ng sitwasyon, opo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sure na yun!"

COURTING STYLE. Anong klaseng panliligaw kaya ang gagawin niya sa kanyang itinatangi?

May espesyal bang paraan, o yung traditional way of courtship ang gagawin niya?

Sabi ng 23-year-old actor-dancer, "The same way na I've been doing before, you know.

"Just taking good of her, being there for her.

"Whatever she needs, I'll be there."

MOST MEANINGFUL V-DAY. Lumalabas na ito ang pinakamahalagang Valentine's Day para sa kanya.

Aniya, "Yes, most meaningful.

"Siguro, ito lang ang Valentines ko na totoo para sa akin."

"Lalo na ngayon,na pareho na kaming nag-mature, we're closer even more."

PROUD OF LIZA'S CITATION. Sa puntong ito, nabanggit namin ang pagkakadeklara kay Liza bilang ika-6th most beautiful face ayon sa British website na TC Candler.

Ang 26th Annual Independent Critics List of the 100 Most Beautiful Faces of 2015 ng TC Candler ay inihayag noong December 26 noong nakaraang taon.

Ano ang naging reaksiyon niya rito?

Nakangiting pahayag ni Enrique,"Siyempre, dapat lang. Baby ko 'yan, e.

"Kaya proud na proud ako.

"I'm super-super proud for her, and I'm always here for her, no matter what, no matter what.

"That's a good thing, na si Liza, baby ko, is more well-loved and wanted, and I don't get insecure.

"For me, it's a good thing.

"It makes me feel me like... I feel that I'm more blessed by God. Yun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN