Kean Cipriano weighs in on sex scandal trend among male celebs: "It's always a choice."

Kean Cipriano on social media responsibility in light of the recent sex scandals among local male celebrities: "It's always a choice, it's always a choice to do things, keeping things private."


Dahil tila “uso” ang pagputok sa social media ng sex video scandals ng mga male celebrities, hiningan namin ng opinyon tungkol dito si Kean Cipriano.

Siya ba ay nakaranas nang gumawa ng sex video o nude selfie?

“You know, that’s something out of our own curiosity...

“And I think, the fact that you have your camera with you or anything – a gadget, that could tempt you na piktyuran mo yung sarili mo – kumbaga ganun ka-powerful yung mga gadgets.

“Of course, you take photos of yourself, like, naked and especially when you were younger, you go to the gym and... alam mo yun?

“May ganun tayong naka-capture ng gadgets, and so yeah...

“But I mean, I don’t have like nude, nude photos or anything,” saad niya.

Sex video?

“No, no, I don’t,” at tumawa si Kean.

RESPECT. Ano ang masasabi niya sa mga male celebrities na may sex videos or nude selfie, lalo na yung mga umiikot ngayon sa social media?

Pag-aanalisa niya, “You know, it’s hard, there’s always different sides of the story...

“Na parang hindi ko alam kung ano’ng pinanggalingan... kung bakit…

“I mean, I respect these people and I don’t think it’s just right to think of people na parang mas less [ang tingin ng tao] dahil they have these videos coming out in the open...

“Na I’m sure they feel bad about it at one point, so alam mo yun?

“May God bless them always!”

NOT JUDGMENTAL. Ano ang nararamdaman niya para sa mga ito: awa o, ‘Ang tanga mo e, bakit ka gumawa ng video?’

Patuloy niya, “No, no. I mean, I really can’t judge.

“You can’t judge, kasi hindi mo naman alam kung ano ang istorya talaga nun, di ba?

“Pero regarding scandals and all that, I think you just have to be responsible in like, whatever we do, whatever we dish out to like, other people...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na what you wanna keep private, keep private.

“What you wanna... parang throw out in the open, di ba? Iyon yun.

“It’s always a choice, it’s always a choice to do things, keeping things private.”

Tulad ng pagiging pribado nila sa pagpapakasal ni Chynna Ortaleza.

“Yeah, keeping things private,” pagsang-ayon ni Kean.

Nakausap namin si Kean sa presscon ng Love Is Blind na pelikula ng Regal Entertainment, Inc. nitong nakaraang Miyerkules, February 3, sa Luxent Hotel.

ART TRANSCENDS THE ARTIST. Speaking of their wedding, sang-ayon ba si Kean sa karaniwang paniniwala sa showbiz na kapag nag-asawa na ang isang male celebrity ay bumababa ang popularid nito?

Lalo na si Kean na dahil sa kanyang imahe bilang isang hot and sexy male rock star ay maraming female and gay fans.

Pahagyag niya, “I don’t know.

“I mean, hindi ko naman siya iniisip as that, kasi naniniwala ako sa musika na ginagawa ko, sa mga pelikula na ginagawa ko.

“Any art form na ginagawa ko, naniniwala ako sa kanya.

“So more than anything, I think yung art ni Kean as Callalily vocalist or as an actor, as a director, it’s immortal!

‘Kumbaga, patay na ako, nandiyan pa rin yung mga kanta.

“Kumbaga. ganun ka-immortal yung mga ganito.

“Habambuhay na 'yang mga pelikula na 'yan, so hindi iyon yung gauge ko on, like parang, gaining fans, kumbaga hindi dahil sa status ko as a person.”

Bukod kay Kean ay bida sa Love Is Blind sina Derek Ramsay, Kiray Celis at Solenn Heussaff.

Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, showing na ito mga sinehan sa Miyerkules, February 10.

DIVERSIFICATION. Ilan sa mga icons sa musika na halos magkakakapareho ng genre ay sina Kean, Bamboo at Rico Blanco.

Pero si Kean lang yata ang mas nalilinya sa paggawa ng pelikula.

Bakit?

Pag-amin niya, “Coz I love it!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga na-enjoy ko na rin talaga yung paggawa ng pelikula, acting itself, 'ayan nagdidirek ako. Kumbaga ang daming bumukas na pinto.”

Nagdidirek rin si Kean ng mga short films at music videos.

“Kumbaga, ang daming nagbukas na pintuan ng learning, so kung ano yung mga natutunan ko, naa-apply ko lahat.

“May interes kasi ako, kasi ibang form din ng art yung acting, iba rin yung music.

“Iba rin yung filmmaking. Kaya ano na rin ako, gusto ko lang siya talaga siguro.

“Gusto ko lang siyang gawin talaga,” giit niya.

FIRST CHOICE. Alin ang mas mahal niya; musika o pag-arte?

Mabilis niyang sagot, “Music, of course! If you're really gonna ask me, ha?

“Na parang, ‘Ano ang mas mahal mo?’

“Diretsuhang sagot, music.

“Pero sasabihin ko rin, may disclaimer din ako na mahal na mahal ko yung music at minamahal ko rin yung acting at filmmaking, kung paano ko minamahal din yung art na yun

“Kasi ano rin e, iyon nga, hindi ko naman siya wine-weigh.

“Binabalanse namin talaga siya nung management ko.”

Nakakalendaryo raw nang detalyado ang lahat ng trabaho niya bilang artista, bilang direktor at bilang musician.

Si Darwin Hernandez ng Soupstar Entertainment ang manager ni Kean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN