Ara Mina gives up on reconciliation with Mayor Patrick Meneses

Ara Mina admits she has stopped hoping for a reconciliation with ex-boyfriend Patrick Meneses: "The more na naghu-hope ka, the more na nag-i-expect ka, the more na nakaka-disappoint. Kaya nga, kung titingnan mo ako, e, parang 'Oo nga, di buo ang family ko, pero hindi ako depressed.' Kasi nga, di ako nag-i-expect."


Tanggap na raw ni Ara Mina na wala nang pag-asang magkabalikan pa sila ng kanyang dating boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na siya ring ama ng kanyang one-year-and-two-months-old daughter na si Amanda Gabrielle Meneses.

Ayon sa aktres, may tuldok na nga siguro ang kanilang relasyon.

“Yes, it's been ten months already, mag-i-eleven na actually, at magwa-one year na sa March.

“Parang feeling ko, kung babalikan nga niya ako, babalikan niya ako.

“Pero hindi naman natin masasabi yung panahon, e.

“Pero sana lang, di ba, huwag maging huli ang lahat?

“Baka mamaya, meron na ako.

“Wala naman akong nababalitaang may idini-date siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration ng indie film producer na si Ms. Baby Go, producer ng bagong indie movie niyang Nuclear Family, na ginanap sa The New Horizon Hotel, Boni Avenue, Mandaluyong City, noong February 4.

STOPPED HOPING. Dumating na ba talaga siya sa puntong gusto na niyang i-give up ang huling pag-asang may chance pa sa kanilang dalawa?

Sagot ni Ara, “Ano, e, ayoko nang mag-hope.

“Kasi, the more na naghu-hope ka, the more na nag-i-expect ka, the more na nakaka-disappoint.

“Kaya nga, kung titingnan mo ako, e, parang ‘Oo nga, di buo ang family ko, pero hindi ako depressed.’

“Kasi nga, di ako nag-i-expect.”

Biro namin, bakit hindi na lang siya ang manligaw kay Mayor?

Natatawang sagot ni Ara, “Kailangan ko pa siyang ligawan?

“Ang anak ko na lang ang manligaw sa kanya.

“Pag nagsalita na, hintayin niyang magsalita.

“Pero gusto ko ring magka-baby pa ulit, naghahabol ako.

“So, at least, makadalawa man lang ako bago ako mag-forty.

“Okey na ako, boundary na ako.”

NOT GIVING UP. Sa kabila nito, hindi raw nawawalan ng pag-asa si Ara na makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya habambuhay, and vice versa.

Ayon sa 36-year-old actress, “Sini-set ko sa sarili ko, na dapat pag 38 years old na ako, dapat ay kasal na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, two years pa.

“Pag di pa ako kasal, ano, basta sa age na 38, may nagpapasaya na sa akin.”

Sa puntong ito ay inalam namin sa kanya, kung okey lang sa kanya ang tumanda siyang walang asawa, pero may anak.

Tugon niya, “Actually, okey naman ako ngayon.

“Oo, hindi naman ako nalulungkot, kasi napupunuan ng anak ko yung emptiness.

“Tsaka ano, maraming lalaki!” biro pa niya.

Patuloy ni Ara, “Iba pa rin yung may nag-a-‘I love you’ saiyo, nakaka-miss din minsan.

“Mabuti, marami akong project ngayon, hindi ko naiisip.

“Hindi ko naiisip ang lalaki, kasi may na-a-‘I love you’-han ako, di pa nga lang siya nakakapag-‘I love you’ back.

“Pero kapag gumanun-ganun na ang mga mata, ay naku, parang natutunaw ako, grabe!”

Ano ang kaibahan ng Ara Mina noon sa Ara Mina ngayon na isa nang nanay?

Sagot niya, “Siguro, every project na gagawin ko ngayon, every decision na gagawin ko, kinu-consider ko ang anak ko.

“Before kasi, ako lang, care ko kung sino ang magalit.

“Hindi ko nga noon kinunsider ang parents ko, noong magpa-sexy ako noon, pero ginawa ko lang yun bilang stepping stones.

“Ngayon, bago ko tinanggap itong movie na Nuclear Family ay talagang pinag-isipan ko nang mabuti.

“Kinausap ko din si Direk [Jason Paul Laxamana], at hindi naman talaga siya sobrang daring.

“Kumbaga, parang first timer din ulit ako kasi, ang tagal na nung huling lead role ko, yung Huling Birhen, kaya naninibago talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN