Ciara Sotto posts a "friendly reminder" to her husband's mistress

Ciara Sotto once again tweets a post about third party, following news last January that her split with hubby Joe Oconer was allegedly caused by a third party.


Sino kaya ang gustong i-tag ni Ciara Sotto sa kanyang tweet tungkol sa third party?

Nitong February 5, Biyernes, nag-tweet ang aktres ng makahulugang post na tinawag pa niyang “A friendly reminder.”

Ayon sa quote: “God is not going to bless you with someone else’s husband.”

Sinagot naman ni Ciara ang isang follower ng ganito: “Hindi ko naman siya tinag eh! Pero muntik na. Lol. Naaawa lang ako ng konti.”

Hindi naman ma-view ang komento ng netizen na sinagot ni Ciara dahil naka-private ito.

Pero sa komento ni Ciara, may isa pang netizen ang sumagot ng ganito: “Di ka dapat maawa sa ganung babae ms ciara. Pumatol siya sa alam niyang kasal na at worst may anak pa na bata. Dapat jan tina-tag.”

Nitong January, pumutok ang balitang nagkakalabuan na ang pagsasama ni Ciara at ng asawa nitong si Jojo Oconer.

Nag-status din si Ciara tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang buhay may-asawa.

Sa tweets ni Ciara, nagpahiwatig naman siya na may third party involved sa problema nilang mag-asawa.

Read: Ciara Sotto hints at third party in her tweets

Sa mga ulat din lumutang ang pangalan ni Valeen Montenegro, na siya umanong dahilan ng breakup nina Ciara at Jojo.

Pero hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang panig ni Valeen.

Read: Valeen Montenegro accused of being third party in Ciara Sotto-Jojo Oconer separation

Samantala, nito ring February 5, isang emoji na smiley ang isinagot ni Ciara sa dalawang netizens na nagkomento tungkol sa kanyang sitwasyon.

Kapansin-pansin din na tinag pa ng isa sa dalawang netizen si Valeen sa kanyang tweet tungkol sa pagiging third party.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN