Director Maryo J. de los Reyes hopes Jiro Manio will not have relapse

Direk Maryo J. de los Reyes on passing the 'throne' to Ai-Ai delas Alas in taking care of Jiro Manio: "Ipinapasa ko na ang pagkakataon kay Ai-Ai kasi mas motherly yun. At yung relasyon nila, iba naman. Yung relasyon naman namin, naging director at saka artista at anak-anakan. Ngayon, kumbaga, mas maraming taong tumulong, mas mabuti."


Ipinauubaya na raw ng direktor na si Maryo J. de los Reyes kay Ai-Ai delas Alas ang pagiging “ina” sa dating child actor na si Jiro Manio.

Si Ai-Ai ang boluntaryong kumupkop at nag-aruga kay Jiro mula nang matagpuan itong pagala-gala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong June 2015.

Si Direk Maryo naman ang dating talent manager ni Jiro.

Pahayag ni Direk Maryo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ipinapasa ko na ang pagkakataon kay Ai-Ai kasi mas motherly yun.

“At yung relasyon nila, iba naman.

“Yung relasyon naman namin, naging director at saka artista at anak-anakan.

“Ngayon, kumbaga, mas maraming taong tumulong, mas mabuti.”

Umaasa naman si Direk Maryo na hindi na bumalik si Jiro sa dati nitong bisyo.

“I hope wala siyang relapse.

“Kasi sa mga experience ko, nagkaroon siya ng relapse, e.

“Sana sa pagkakataong ito, tuluy-tuloy na siya sa pagbabago.”

Hindi pa raw sila nagkakausap ng dating alaga. Pero kung sakali man, gusto niyang magkita sila nang hindi na lang plinano.

“Gusto kong magkabanggaan na lang kami!” natawang sabi ni Direk Maryo.

“Siyempre, Magnifico is still Magnifico.

“It’s a landmark na ginawa niya at doon ako… noong una pa lang, nang makita ko siya, sila ni Rosanna Roces, ang La Vida Rosa [2001], naniwala na ako sa kanya na magaling ‘tong batang ‘to.”

Dahil si Direk Maryo ang project consultant ng kauna-unahang TOFarm Film Festival, hindi ba niya isa-suggest sa kalahok na entries na isama si Jiro sa cast ng alinman sa mga ito?

“I will, we will recommend,” mabilis niyang sagot.

Ngayong nakalabas na muli sa rehab si Jiro, ano ang mensahe niya para sa dating alaga? 

“Jiro, tuluy-tuloy na ‘to, ha, sasakalin na kita!” at saka siya natawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN