Xian Lim admits to being conscious after all the criticisms about him

Xian Lim on trying to be perfect: "Hindi naman trying to be perfect, but I'm trying to present myself… I'm trying to be presentable as possible. Meron ka kasing sine-set, e. Pero hindi kasi dapat ganun."


Dahil sa mga batikos na natatanggap noon ni Xian Lim—hindi lamang bilang isang aktor kundi maging sa kanyang pagkatao—inamin ng Kapamilya actor na naging “conscious” na siya sa ikinikilos o sasabihin niya.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “To be honest, hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Sinabi ko ‘yan sa nanay ko. Sabi ko, ‘Mom, ano ba talaga yung ginagawa kong mali? Mom, iniiwasan ko na, parang wala na akong nagagawang tama.’

“May gagawin ako, may nasasabi silang masama.

“Tapos, yun nga, nangyari pa yung sa Bridges of Love.”

Ang tinutukoy ni Xian ay ang pagkakatanggal niya sa cast ng ABS-CBN primetime series na Bridges of Love; si Paulo Avelino ang pumalit sa role niya sana.

Read: Paulo Avelino replaces Xian Lim in Bridges of Love

Patuloy ni Xian, “Parang sabi ko, ‘Mom, bakit parang no one’s speaking on my behalf? I’m explaining.’

“Sabi niya, ‘Anak, feeling ko, kailangan mo lang masaktan. Kailangan mo lang maramdaman ‘yan. Kailangan mong pagdaanan yung mga sakit.”

Bilang nag-iisang anak, ang mommy raw niya ang naging takbuhan ni Xian nung mga panahong iyon.

STOP TRYING TO BE PERFECT. Ibinahagi rin ni Xian ang naging pag-uusap nila ng direktor niya sa Everything About Her na si Joyce Bernal.

“Isa sa sinabi sa akin ni Direk Joyce, may ipinakita siya sa aking picture, sabi niya, basahin mo lang: ‘Stop trying to be perfect.’”

Talagang sinubukan niyang maging perfect?

“Dati,” pag-amin ng 26-year-old actor.

“Hindi naman trying to be perfect, but I’m trying to present myself… I’m trying to be presentable as possible.

“Meron ka kasing sine-set, e. Pero hindi kasi dapat ganun.

“Sabi ni Direk Joyce sa akin bago pa dumating ang script, sabi niya, ‘Sino ka ba? Ano ba ang ipinapakita mo sa akin? Sino ka? Pakita mo sa akin ang masama mong ugali, gusto kong makita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Puwede mo bang ipakita lang kung sino ka? Eventually, maiintindihan ka. Maiintindihan ka ng mga nakikinig sa ‘yo.’

“I think, sobrang precious lang ng moment na yun.”

KIM CHIU. Tinanong din ng PEP si Xian kung napapagod na ba siya tuwing tinatanong at pinaaamin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng ka-love team niyang si Kim Chiu.

“Hindi ako napapagod!” natawang sagot ni Xian.

May bagong teleserye na pagsasamahan sina Xian at Kim, ang The Story of Us, kaya sa presscon nito ay siguradong tatanungin na naman sila kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila.

Naniniwala raw si Xian na may tamang oras para sagutin nila ni Kim ang tanong nang diretso.

Natatakot din daw siyang mas maraming isyung darating kapag naging sila na sa totoong buhay.

“Mas maraming nasasabi ang mga tao, magsusunod-sunod ‘yan,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN