Paulo Avelino on LJ Reyes-Paolo Contis romance: "I'm just happy for them."

Paulo Avelino says he is happy that former flame LJ Reyes has found happiness with Paolo Contis.


Matipid ang sagot ni Paulo Avelino nang tanungin kung paano siya magse-celebrate ng Valentine’s Day.

“For Valentine, [I’ll be] spending it probably on the plane.

“I’ll be spending it on the plane with lots of champagne and my reading materials,” sabi ng Kapamilya actor sa press launch niya bilang ambassador ng Avon Fragrance na Black Suede, sa Cru Steakhouse Manila, Marriott Hotel, Pasay City, nitong Martes, February 9.

May show daw kasi siya sa California, USA, kasama ang kapwa ABS-CBN stars na sina JC de Vera at Maja Salvador.

Natanong din si Paulo kung naniniwala ba siya sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.

“Ako, I’m not the type to ride with the hype or sasabayan mo because everyone’s doing it.

“For me, parang just treat every day like Valentine’s Day,” sabi niya.

Huling na-link si Paulo kay KC Concepcion.

Nagkaroon sila noon ng relasyon na nauwi sa hiwalayan. Pero inamin ni Paulo kamakailan na muling nagbukas ang kanilang komunikasyon.

LJ-PAOLO. Samantala, tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kung ano ang masasabi niya sa balitang nagkakamabutihan na ang dating karelasyong si LJ Reyes at si Paolo Contis.

Sagot niya, “For me, whatever makes them happy. If they’re happy being together, they’re happy.

“I’m just happy for them,” sagot ni Paulo.

Nito kasing Bagong Taon, nagdiwang si LJ kasama ang kanyang pamilya, si Paolo, at ang anak nila ni Paolo na si Aki sa New York.

Inilarawan din ni LJ ang okasyon bilang best Christmas at best birthday present.

Read: LJ Reyes, Paolo Contis spend Christmas in New York

Pagdating naman sa trabaho, pagkatapos ng On The Wings of Love, nakatakdang gumawa ng dalawang pelikula si Paulo.

Sa isang pelikula, makakasama niya si Anne Curtis.

Mayroon na rin daw pinaplanong teleserye pero walang pang eksaktong petsa kung kailan ito eere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN