Woman who found Grace Poe at Jaro cathedral to speak up about the senator's citizenship

Sayong Militar is the woman who found Grace Poe at the Jaro Metropolitan Cathedral in Jaro, Iloilo, on September 3, 1968. Militar, who is now based in Canada, is currently in the Philippines to say her piece about Grace's citizenship.


Naririto ngayon sa Pilipinas ang Canada-based na si Sayong Militar, ayon sa seasoned entertainment columnist na si Baby K. Jimenez.

Malaki ang kinalaman ni Sayong, 89, sa pagtatagpo ng landas nina Senator Grace Poe at ng mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Si Sayong ang babaeng nakakita kay Grace sa baptismal font ng Jaro Metropolitan Cathedral sa Jaro, Iloilo, noong September 3, 1968.

Bayaw ni Sayong si Edgardo Militar, na siyang nakapirma sa foundling certificate ni Grace.

Kaibigan ni Sayong si Tessie Ledesma Valencia na kaibigan din nina FPJ at Susan.

Si Edgardo ang pinaghihinalaang biological father ni Grace.

Ibinigay ni Sayong si Grace kay Tessie, na siya namang nagbigay sa bata sa mag-asawang FPJ at Susan.

Ayon sa Facebook post ni Baby Jimenez, nagtagpo kahapon, February 9, sa Diamond Hotel sa Manila sina Sayong at Susan bago sila nagpunta sa proclamation rally ng Partido Galing at Puso nina Grace at Chiz Escudero sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila.

Lahad ni Baby, “An important reunion for 2 respected ladies. Ms. Sayong Militar and of course my dear Es Ar (Susan Roces) at the lobby of Diamond Hotel yesterday before we trekked to Plaza Miranda for GP's [Grace Poe] proclamation rally.

“Tita Sayong is the person who found GP in the baptismal font in Jaro.

“She now resides in Canada and is here to say her piece once and for all—that GP is indeed a Filipino by birth!

“I met Tita Sayong years and years ago (she is now 89) when I was with Susan in Bacolod.”

Hinihintay ang pagsasalita ni Sayong na inaasahang maging susi sa misteryo ng pagkatao ni Grace at makapagbibigay-linaw sa tunay na citizenship nito, na ginagawang isyu ngayon ng political opponents niya para hindi matuloy ang kanyang pagkandidato bilang presidente ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN