Ara Mina happy for sister Cristine Reyes: "Gustung-gusto niya talaga ang magkaroon ng family."

Ara Mina has a daughter with Bulacan Mayor Patrick Meneses. While she has given up hope for a reconciliation with her former live-in partner, Ara says her sister Cristine Reyes has taken it upon herself to find a new love for her, "Sabi ko, 'Go!'"


Itinanggi ni Ara Mina na iniinggit siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes na ikinasal na samantalang siya ay single pa rin.

“Hindi naman, alam naman niya ang situation ko, kaya hindi na niya ako kakantiyawan.

“Pero ako ang nakasalo,” pagtukoy ni Ara sa bridal bouquet sa wedding reception nina Cristine at Ali Khatibi sa Balesin.

Patuloy ng aktres, “Wala lang, wala naman sigurong ibig sabihin yun.

“Kasi naman, iilan lang kami, lima lang kami [mga babae sa wedding ni Cristine].

“Tapos bitin pa ang pagtapon niya, so nung makita kong bitin, tinakbo ko na.

“Tawang-tawa siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa presscon ng pelikulang Nuclear Family ng BG Productions noong nakaraang linggo.

SETTLING DOWN. Si Cristine ay ikinasal kay Ali Khatibi sa pamamagitan ng isang Christian ceremony sa Balesin noong January 27.

Si Ara naman ay may anak na babae sa dati nitong boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Pinapayuhan ba si Ara ni Cristine ngayong isa na itong maybahay?

Sagot ng aktres, “Hindi naman, wala naman siyang ina-advise.

“Basta ang gusto ng sister ko, kung saan ako masaya.

“Hindi naman niya ako iniinggit.

“Sabi pa nga niya, ‘Kung talagang wala nang pag-asa, hanapan ka namin.’

“Sabi ko naman, ‘Go!’”

Bilang kapatid, tuwang-tuwa raw si Ara sa naging kapalaran ni Cristine sa larangan ng pag-ibig.

“Siyempre naman, kasi alam naman natin ang pinagdaanan din ng kapatid ko.

“Naku, parang ako rin lang 'yan pagdating sa love. Daming side stories.

“Pero, look, kitang-kita ang happiness niya sa kanyang mata.

“Dahil kasal na nga sila ni Ali.”

RAINY WEDDING. Sa puntong ito ay nagkuwento si Ara ng ilang detalye ng kasalang Cristine at Ali.

View: Cristine Reyes and Ali Khatibi wedding in Balesin

Lahad ng 36-year-old actress, “Okey siya, very intimate lang, kami-kami lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, di naman kumpleto yung family namin, kasi may wedding pa sila dito [sa Manila].

“Yun lang mga taong gustong ma-witness yung weddng nila sa Balesin.”

Patuloy ni Ara, “Okey siya, sobrang ganda… windy siya, e

“Umulan for a while kaya inabot kami ng alas-dose [ng tanghali].

“Kaya hindi kaagad nakapag-start kasi umaambon-ambon.

“So, habang naglalakad siya, umaambon-ambon, pero tumigil din at umaraw na.

“Ang sarap ng weather kasi hindi siya humid.”

WEEPY. Kumusta naman ang pakiramdam ng kanyang kapatid habang ikinakasal?

Ayon kay Ara, “Sobrang happy siya, para siyang nasa heaven.

“Habang naglalakad siya, umiiyak yung groom, e.

“Oo, na-video-han ko pa yun, e.

“At saka napansin ko, magkamukhang-magkamuka na sila.

“So, meant talaga sila sa isa’t isa,

“At saka, gustung-gusto niya [Cristine] talaga ang magkaroon ng family, yung buo sila.”

Nagkausap naman daw silang magkapatid bago pa tuluyang naging Mrs. Khatibi si Cristine.

Aniya, “The night before, nag-dinner kami, kaso nagtulugan na rin kami nang maaga.

“Very ano lang siya na nag-makeup, binili lang niya yung damit a week before.

“Humiram pa nga siya sa akin ng concealer at saka curlash, tapos siya na nagkabit ng extension [hair] niya.”

Pero wala naman daw silang gaanong girl talk.

“Wala naman, parang ano lang…

“Sabi ko sa kanya, ‘O, ano na Mrs. Khatibi, ready ka ba?’”

“Niloloko namin siya, ayun.

“Okey naman, masaya lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN