Dingdong Dantes on supporting Leni Robredo's candidacy: "She will redefine the vice presidency."

Dingdong Dantes (left, with Leni Robredo and Gabby Eigenmann) on choosing the right candidate: "Sana we'll take this time, from now until May, to really look into the candidates thoroughly. Let's watch their debates. Let's see how they are on and off-cam. Talagang suriin natin ang character nila more than what we see right now. Kasi ang mga napapanood natin sa palabas, produced 'yan, e. So, alam kong maganda na malaman natin at maging up close tayo para maintindihan natin yung nais nila."


Pagkatapos ng ilang linggong pag-aanalisa sa mga kandidatong tumatakbo ngayong 2016 elections, nakapili na ang aktor na si Dingdong Dantes ng kanyang susuportahan.

Ito ay si Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo, na tumatakbong bise-presidente sa ilalim ng Liberal Party.

Pahayag ni Dingdong, “Ako kasi, nakita ko kung paano magtrabaho si Congresswoman Leni, hindi pa siya congresswoman noon.

“Kung papaano siya bilang asawa ni Secretary Jessie Robredo.

“Right now kasi, mas malaking bagay na makilala pa siya ng mga tao nitong papalapit na eleksiyon.”

Susuportahan ba niya si Leni mula kampanya hanggang eleksiyon?

“Oo naman,” mabilis na sagot ng Kapuso Primetime King.

“Ako naman, I'm always there for people that I believe in.

“At this point, I believe sa kanyang hangarin para sa bansang ito na she will redefine the vice presidency.”

2016 ELECTIONS. Ano ang pakiramdam niya ngayong eleksiyon?

Saad ni Dingdong, “Definitely it's going to be a close fight sa lahat ng pipiliin natin, lalo na sa national position.

“At sa aking pananaw, lahat naman sila ay may kanya-kanyang kagalingan, lahat sila ay may kanya-kanyang karapatan na mamuno.

“Nasa sa atin na lang talaga kung sino ba talaga sa tingin natin ang merong character at magiging akma sa ating mga ideals, sa pagiging lider ng ating nation.”

Dagdag niya, “Sana we’ll take this time, from now until May, to really look into the candidates thoroughly.

“Let’s watch their debates. Let’s see how they are on and off-cam.

“Talagang suriin natin ang character nila more than what we see right now.

“Kasi ang mga napapanood natin sa palabas, produced 'yan, e.

“So, alam kong maganda na malaman natin at maging up close tayo para maintindihan natin yung nais nila.

“Kaya going back sa tanong mo kanina, mapalad kami na we were able to see Congresswoman Leni on that light and we were able to know Congresswoman Leni on a personal level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, again, hindi sapat ang mga patalastas.

“Magandang personal at harapan mong naririnig kung ano ang gusto niya at harapan mo siyang makikilala para mas matibay ang basehan mo sa pagpili rather than the traditional means.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN