Maine Mendoza: "AlDub is the best thing that ever happened to me yet."

What is love for Maine Mendoza? She replies, "Love to me is when you do the things that you don't usually do for a person. When you feel like you're willing to give up something important, for me that's love."


Sa loob ng pitong buwan lamang ay nakagawa na ng marka sa Philippine showbiz si Maine Mendoza.

Unang nakilala bilang Yaya Dub sa “Kalyeserye” segment ng noontime show na Eat Bulaga!, ngayon ay itinuturing nang isa sa pinakasikat na Pinoy celebrities si Maine.

Maliban sa toprating pa ring noontime show sa Kapuso network, nakagawa na ng pelikula si Maine katambal ang kanyang ka-love team na si Alden Richards (My Bebe Love #KiligPaMore) at kabi-kabila rin ang pictorial nila para sa magazine covers.

Ngunit higit pa rito ay lagpas na sa 20 ang endorsements nina Maine at Alden; kasama na rito ang solo endorsements nila.

Sa parte ni Maine, ang isa sa latest endorsements niya ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, na ang TVC ay kasalukuyang napapanood sa telebisyon.

Sa gitna ng timatamasa niyang tagumpay, alam daw ni Maine na may ilang bagay sa buhay niya na kailangan niyang isakripisyo. Kabilang na rito ang madalas na pagiging pagod at pagpupuyat.

Saad ni Maine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s not as easy as I thought it was.

“I must admit that it is physically tiring but I am humbled and really thankful that there are fans who support me and to me that is the best part of the job.”

ALDUB AND ALDEN. Maraming tao ang humuhugot ng inspirasyon mula sa kanya at sa AlDub love team nila ni Alden.

Nai-inspire din ba siya sa AlDub at nakakaramdam din ba siya ng love sa ginagawa nila ni Alden, gaya ng AlDub Nation?

“Yes, of course!” bulalas ni Maine.

“Maine is an AlDub fan, too!

“Kinikilig din ako and I sometimes get this ‘love-is-in-the-air’ feeling during Kalyeserye.”

Ano ang AlDub sa kanya at sino naman si Alden para sa kanya?

Sagot ni Maine, “AlDub is the best thing that ever happened to me yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It led to a lot of opportunities and made me who I am now.

“Alden, on the other hand, is not just my onscreen partner but a very dear friend.

“He's my kakampi all the time! Walang iwanan!”

WHAT IS LOVE? Dahil papalapit na ang Valentine’s Day, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine kung paano siya ma-in love at ano ang ibig sabihin ng love sa kanya.

Saad niya, “How do I describe it... I love with all my heart but sometimes may reservations na ako kasi mahirap ma-heartbroken, e.

“Love to me is when you do the things that you don’t usually do for a person.

“When you feel like you’re willing to give up something important, for me that’s love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN