Heart Evangelista flattered that Maine Mendoza wore her hand-painted dress

Heart Evangelista posts photos of Maine Mendoza and Carla Abellana wearing the same dress that she hand-painted.


Hindi naitago ni Heart Evangelista ang kanyang tuwa nang isuot ni Maine Mendoza ang isang hand-painted dress niya.

Nag-status si Maine sa kanyang Instagram nitong Miyerkules, February 10, suot ang nasabing damit na pinintahan ni Heart:

Sa status ni Maine, sinabi niyang kabilang ang suot niyang damit sa ilalabas na special weekend publication ng isang broadsheet nitong Biyernes, February 12.

Dahil sa tuwa, napa-comment si Heart at halatang ikinagalak niya ang gesture ni Maine:

Ang nasabing damit ay kabilang sa ginanap na fashion collection show ni Heart at ng fashion designer na si Mark Bumgarner nitong January: ang Mark Bumgarner x Love Marie collection.

Ipinakita sa nasabing fashion show ang gowns na nilikha ni Mark at pinintahan ni Heart.

Sa Instagram naman ni Heart, pareho niyang ipinost ang pinintahang damit na suot nina Maine at Carla Abellana.

The reason we do what we love...#MBxLM #lovemariehandpainteddresses on @mainedcm ??????@markbumgarner *kilig*

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Samantala, napansin ng netizens na parehong-pareho ang damit sa photo shoot ni Maine at ang isinuot ni Carla Abellana sa GMA-7 trade launch ninitong Miyerkules, February 10.

Gayunpaman, mas marami sa mga nag-comment ang piniling purihin ang dalawa kaysa intrigahin, lalo pa’t dalawang beses nang naisyu ang pagsusuot ni Maine na may kaparehong damit ng dalawang celebrities—sina Kim Chiu at Liz Uy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN