Jiro Manio back in rehab due to illness, says Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas defends Jiro Manio from critics: "Hindi po siya addict, meron lang po talaga siyang sakit. Dun po sa iba na itsinitsismis pa si Jiro, sana po patahimikin na natin siya kasi nandun na po siya sa loob."


Balik sa rehabilitation center ang dating child star na si Jiro Manio.

Ngunit nilinaw ng tumatayong guardian ni Jiro na si Ai-Ai delas Alas na hiindi dahil bumalik ito sa paggamit ng bawal na gamot, kundi dahil mayroon itong karamdaman.

Sinabi ito ni Ai-Ai sa panayam niya sa 24 Oras nitong Huwebes, February 11.

Sinabi pa ng Comedy Queen na kahit masakit sa kalooban niya ay kailangang maibalik sa wellness center si Jiro para tuluyan itong paggaling.

Nakiusap naman ang aktres na huwag husgahan agad si Jiro sa pagbabalik nito sa rehab.

"Hindi po siya nagda-drugs. Sabi ni Doktora, he's chronically ill, and ayoko po sanang sabihin, pero may sakit po si Jiro. Hindi siya stable," pahayag ni Ai-Ai.

Nito lamang January 2016 ay lumabas na sa rehab si Jiro at sinabi ni Ai-Ai noon sa kanyang post na magaling na ang aktor.

Hiling lang ni Ai-Ai sa mga nanghuhusga kay Jiro sa pagbabalik nito sa rehab: "Yung dignity naman nung bata, e, iwan natin sa kanya.

“Hindi po siya addict, meron lang po talaga siyang sakit."

Dugtong pa niya, "Dun po sa iba na itsinitsismis pa si Jiro, sana po patahimikin na natin siya kasi nandun na po siya sa loob.

“Marami po tayong hindi alam sa pinagdaanan ni Jiro, so siguro mas magiging maganda kung tatahimik na lang po tayo dahil wala namang magandang naidudulot yun para sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN