Aljur Abrenica says his heart still belongs to GMA-7 despite ongoing legal battle

Aljur Abrenica on ongoing case with GMA Network: "You make mistakes. At the end of the day, I'd still choose to be a Kapuso.


Masaya pa rin daw si Aljur Abrenica sa pagiging Kapuso.

Ito ay sa kabila ng paghahain niya ng reklamo laban sa GMA Artist Center at GMA Network noong 2014 upang tapusin na ang kanyang kontrata dahil umano sa “gross mismanagement.”

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged 'gross mismanagement' of GMA Artist Center

Gayunpaman, kahit na napapanood na muli si Aljur sa Kapuso network ay wala pa ring resolusyon ang nasabing kaso.

“With contract, medyo sensitive pag-usapan, pero I’m still under GMA… still under and happily with GMA,” saad ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng PEPTalk shoot niya ngayong Biyernes, February 12.

Bumisita si Aljur sa tanggapan ng Summit Media ngayong araw upang i-promote ang indie film niyang Expressway, na kalahok sa Sinag Maynila Film Festival. Kasama niya ang co-star na si Alvin Anson at direktor na si Ato Bautista.

Huling napanood sa telebisyon si Aljur sa morning teleserye ng GMA-7 na Dangwa, kung saan nakasama niya sina Janine Gutierrez at Mark Herras. Wala pa siyang bagong proyekto sa ngayon.

Ikinukunsidera ba niyang lumipat ng ibang TV network?

Sagot niya, “Matagal ko nang naririnig ‘yan, maraming opinyon, pero siyempre naiisip din natin ‘yan.

“There are only three [major TV] networks sa Pilipinas, pero [at] the end of the day, kahit ano mang isipin ko sa magdamag, pagdating ng gabi, my heart still belongs to GMA.

“Kasi it’s where I started and sila yung nag-build sa akin.”

Si Aljur ay produkto ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck, kung saan siya ang itinanghal na Ultimate Hunk noong Season 4.

Umaasa rin si Aljur na masolusyunan na ang kanyang kaso sa GMA Artist Center.

“What happened kasi is just a misunderstanding and I see it as part of growing up, kung paano mag-mature when it comes to being a man, kung paano dalhin ang sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You make mistakes. At the end of the day, I’d still choose to be a Kapuso.

“I have high hopes na maaayos na ‘yan kasi, on both parties naman, wala naman kaming iniisip kundi yung makakabuti sa isa't isa, magtutulungan.

“It’s just that kaya siya nangyari kasi may mga misunderstandings and miscommunications pa.

“Pero right now, after seeing all the effects na nangyari, walang ibang pupuntahan kundi mag-mature talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN