Donita Rose remains positive despite misunderstanding with Rita Daniela

Donita Rose says she's still willing to work with Rita Daniela, "I would never give up on a person… if ever she needs somebody to talk to, I'm still extending that hand to her. If she wants it. If she doesn't want it, okey lang din naman."


Ginagampanan ni Donita Rose ang papel na ina ng bidang si Barbie Forteza sa teleserye na That’s My Amboy ng GMA-7.

Sabi nga ni Donita tungkol sa Tween Queen niyang co-star, “She’s very kalog!”

Kuwento pa niya, “The first day that I met her, nung nagkita kami sa story conference, sabi ko, ‘Hi!’

“Tumabi siya sa akin, tapos gumanun na kaagad sa akin.”

Sumandal daw agad sa balikat ni Donita si Barbie.

Sabi pa niya, “Kaya kaagad nagpasalamat ako sa Panginoon na ang magiging katrabaho ko magaan.

“Kasi yung last ko, medyo nagkaroon ng konting…”

Ito ay ang tungkol sa naging isyu sa pagitan nila ng dati niyang co-star na si Rita Daniela.

Nagkasama ang dalawa sa natapos nang teleserye na Let The Love Begin at tila hindi pa nakakalimutan ni Donita Rose ang naranasan niya last year sa taping ng show.

May isang pangyayari kasi na ilang beses nagkamali si Donita sa eksena nila ni Rita at nag-make face daw at nagpakita umano ng pagkainis ang young star.

“Naging mabigat din yun sa akin,” saad pa ni Donita.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa presscon ng That’s My Amboy noong Huwebes, January 21, sa GMA Network Center.

WEAKNESS. Ano ang dahilan ng panggaganoon sa kanya ni Rita?

“I don’t know, when we did that soap, may mga ano din ako.

“Ang weakness ko kasi Tagalog so, sometimes, pagdating ng rehearsals, lagi akong nanginginig.

“Kasi ang hahaba ng lines ko, every time I would do my lines nagse-shake ako.

“And then during our rehearsals, minsan sablay, so buwisit siya, so she would like do things.”

Make faces?

“Yung mga ganun, pagtatawanan ako, ganun, and it would really hurt me.

“Pero it helped me to become stronger and na-challenge ako ng bonggang-bongga dun sa role na yun, so…”

Okey na naman daw sila ni Rita ngayon, nag-sorry ba ang young actress sa kanya?

Umiling lamang si Donita, “Hindi, pero huwag na nating pag-usapan iyon… ah, no, no, no, after that, parang nag-sorry naman siya.

“I think there are things in her personal life na, I think parang ano kasi, kanya-kanya ‘yan, e.

“Like dun sa set, hindi magaan… yeah, iyon na lang, I won’t say anything.”

Hindi nakasagot si Donita nang tanungin namin kung papayag ba siyang makatrabaho muli si Rita.

Silence means yes kaya naman napilitang sumagot ang aktres, “No, no, no, no. I would never give up on a person.

“Until our last taping day, hindi ko siya tinigilan… pag may sumpong, ngingitian ko pa rin siya.

“I believe that, maybe it’s possible na maraming pinagdadaanan yung bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MENTOR. Sa presscon ay may nagbanggit na pumanaw ang ama ni Rita, “Oh, when?”

Sabi pa ni Donita, “I just think that there’s… I mean how old is she, 17, 18?

“Bata pa rin and if you don’t have… I’ve been guided and I think what she needs in her life is someone to guide her.

“And I offered her… I told her, ‘You know, if you ever need somebody to talk to, I’m here for you.’”

“Baka kasi isipin niyo na showbiz or plastic lang ang pagkakasabi ko, pero in my heart I believe that she knows."

Ano ang isinagot ni Rita?

“Wala, walang ano… Hindi, hindi, you never know, maybe there might come a time that… she doesn’t know me kasi, e.

“I’m just somebody she met on the set, baka kasi iniisip din niya na showbiz lang din ako.

“If there’s a message that I would like to impart, I want to say that if ever she needs somebody to talk to, I’m still extending that hand to her.

“I can be a personal guide in her life.”

As a teenstar ay never nga raw napabalitang maldita si Donita, “Because I have good mentors in my life.”

Lahad pa niya, “Kasi para maging successful tayo sa buhay, lahat tayo ay kailangang kumapit sa isang mentor.

“Somebody who can guide you and be a positive influence.

“And hanggang ngayon naniniwala ako that I can extend that to her.

“If she wants it. If she doesn’t want it,  okey lang din naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN