Rochelle Pangilinan laughs when asked if boyfriend Arthur Solinap has a sex video

Rochelle Pangilinan remains a dancer at heart even when she is deep into acting lately, which makes her ponder, "Kung ano ang mas matimbang sa kanilang dalawa, wala pa po akong masasagot. Yung pagsasayaw, nakalakihan ko na siya; yung pag-arte, tinatahak ko pa lang siya."


Masasabing isa sa mga pinakamatatag sa showbiz ang relationship ni Rochelle Pangilinan sa Kapuso hunk na si Arthur Solinap.

Dahil tila nauuso ang mga nude selfies at sex video among local male celebrities, nausisa si Rochelle kung ano kaya at biglang may lumitaw na nude photo o sex video ang boyfriend niya?

“Una, matatawa po ako. Pangalawa, tatanungin ko siya, ‘Ikaw ba ‘to?’”

Halimbawang ginawa nga ito ni Arthur noong bata-bata pa siya, ano ang magiging reaksyon niya?

“Pagtatawanan ko siya kasi meron siyang picture… 'eto natatawa na ako, meron siyang nakabukaka na picture,” at tumawa si Rochelle.

Ang tinutukoy niya ay ang sexy pose ni Arthur noong 2006 sa isang magazine na para sa mga babae at bading.

Hindi pa raw sila magkarelasyon noong mga panahon na iyon.

Kuwento ni Rochelle, “Hindi pa, bata pa siya nun.

“Pinagtawanan ko siya nang bongga! Sabi ko, ‘Ikaw ba ‘to? Lumang tao?’

“Tawa siya nang tawa, hinatak niya yung telepono ko. Pinasa sa akin ng isang fan [ang picture]atat, tawa ako nang tawa!”

Sa naturang larawan ay nakasuot ng underwear si Arthur at nakabukaka nga.

“Oo, ‘tapos parang may usuk-usok,” at muling tumawa si Rochelle, “Sorry, natawa ako, iyon ang unang reaksyon ko.”

Hindi naman daw niya ikagagalit halimbawang mayroon ngang nude photo o sex video si Arthur na ginawa nito noong hindi pa sila.

“Hindi, tapos na yun, e!”

Naganap ang paglalahad na ito ni Rochelle sa presscon ng Tandem noong Martes, February 2, sa Quezon City Sports Club.

Bida rito sina JM de Guzman at Nico Antonio. Sa direksyon ni King Palisoc, ang Tandem ay produced ng Quantum Films, Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.

Bukod kay Rochelle ay nasa pelikula rin sina Elora Espano, Allan Paule, Paolo O’ Hara, BJ Forbes, Karl Medina, at Dennis Marasigan.

Ipapalabas ito sa mga sinehan sa February 27.


DANCING OR ACTING? Kahit tila nalilinya na si Rochelle sa pagiging aktres, hindi raw niya nakakalimutan ang pagsasayaw.

“Nakaka-miss, sobra,” bulalas ni Rochelle na nagsimula sa showbiz bilang miyembro ng Sexbomb Dancers, “nami-miss ko, sobra.

“Actually, kinakausap ko yung ibang kaibigan kong dancers na minsan magte-train ako sa kanila, yung mga kasamahan ko dati sa Sunday All Stars (SAS).

“Minsan kami-kami nina Iya Villania kapag nagkikita kami, kami nina Winwyn [Marquez], ‘Train tayo!’

“Nakaka-miss, e. 'Tsaka kakalawangin at kakalawangin ka once hindi ka na nakakapagsayaw lagi, kahit na mananayaw ka pa.”

Huli raw na sumayaw si Rochelle nang bongga ay sa Sunday All Stars pa at aminado siya na kinakalawang na nga siya sa pagsasayaw.

Kaya nga ikinalungkot niya noong nawala sa ere ang SAS Agosto ng nakaraang taon.

“Kaming lahat! Naiyak ako kasi yung Sunday All Stars…  lalo na yung team-team na nagawa namin dati.

“Yung pinaka-friendship na nabuo dun habang bumubuo kami ng konsepto, iyon yung pinakamasakit.

“Sanay ka na kasama mo sila,  every Sunday, every Saturday actually to Sunday, biglang wala na.”

Mas matimbang pa rin kay Rochelle ang pagsasayaw kaysa pag-arte?

“Hindi ko naman sinasabing ang pagsasayaw na-perfect ko na, marami ka pa ring matututunan sa pagsasayaw.

“Siguro dahil dancer nga siguro talaga ako kaya ko siya nami-miss, bata pa lang ako iyon na yung ginagawa ko, e.

“Sa pag-arte naman, inaaral  ko siya talaga… like sa mga beteranong aktor na nakakaeksena ko.

“Dun ko pa lang nakikita na ang pag-arte pala, napakabilis, napakalawak na kumbaga sa puno maraming sanga.

”Sa pagsasayaw, puwedeng maging hip-hop, puwedeng maging ballroom, puwedeng maging jazz, parang ganun.

“Marami rin siyang sanga, marami ring sanga ang pag-arte.

“Kung ano ang mas matimbang sa kanilang dalawa, wala pa po akong masasagot.

“Yung pagsasayaw, nakalakihan ko na siya; yung pag-arte, tinatahak ko pa lang siya.”
   

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN