Nadine Samonte is six weeks pregnant

Nadine Samonte and her husband Richard Chua got emotional after finding out about her 6-week pregnancy.


Magandang balita ang sumalubong kay Nadine Samonte at sa asawa nitong si Richard Chua ngayong Valentine's Day.

Kinumpirma ni Nadine na buntis siya sa kanyang panganay na anak.

Sa Instagram, ibinahagi ng mag-asawa ang magandang balita kalakip ang litrato ng ultrasound ni Nadine.

Unang nag-post si Nadine at inamin nito na naging emosyunal silang mag-asawa noong idineklara ng kanilang doktor ang resulta ng ultrasound test.

Ang buong caption ng litrato:

"I love you Lord thank you for this miracle We are so happy and Blessed! Thank you to our families ,friends and thank you to all the people who prayed for us. Iba ang feeling pala talaga i cant explain its just pure happiness and love. First time we knew we called our parents they are all so excited and now eto na 6weeks everything is so perfect and ang ganda ng heartbeat. The moment na nagstart ultrasound at sabi ng doctor na okay ang lahat my husband was crying we both cried iba pala tlga. Thank you Lord thank you so much! yehey magkakababy na po kami #soblessed #sohappy #booboobaby."

Nag-post din ang asawa ni Nadine at may caption naman ito na: "This is a total game changer for me! Woohoo!! My wife is 6 weeks and 3 days pregnant! Thank you Lord for this! @nadinesamonte #BabySoon #cantwait #miniBooBoo #ToGodBeTheGlory #PraiseTheLord"

Sa huli, muling nagpasalamat si Nadine sa kanyang fans, malalapit na kaibigan at kamag-anak sa kanilang pagbati.

???????????

A photo posted by Nadine Chua ?? (@nadinesamonte) on

Halos dalawa't kalahating taon din ang hinintay ng mag-asawa bago mabuntis si Nadine.

Noong October 30, 2013, palihim na ikinasal si Nadine at Richard sa isang farm sa Zambales.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine noong nakaraang taon, inamin nito na nagkaroon siya ng problema sa pagbubuntis at nainggit siya kay Marian Rivera nang mabalitaan ang pagbubuntis nito kay Baby Zia.

READ: Nadine Samonte envies Marian Rivera’s pregnancy; admits problem in getting pregnant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN