Luis Manzano hits back at basher who said his Instagram posts are "so gay"

Muling pumatol sa isang basher ang Kapamilya star na si Luis Manzano dahil tinawag nito ang kanyang posts sa Instagram na "so gay." Binuweltahan din ni Luis ang basher at tinawag itong "plastic."


Hindi pinalampas ni Luis Manzano ang isang nagkomento sa kanyang Instagram post noong February 9, Martes.

Limang araw pagkatapos mag-post ni Luis sa Instagram, may nagkomento rito kahapon, February 14, kung saan inilarawan nito ang posts ng Kapamilya TV host-actor na "pawang kabaklaan" umano.

Sabi ni @chuchaychie: “So gay ng mga post mu luis. For real! Ahahhaha. Napaghahalataan ka!”

Buwelta ni Luis sa naturang basher: “@chuchaychie - it's always fun when you see a basher with a bible quote on their profile...i bet kinakahiya ka ng anak mo para sa pagiging plastic, bawal kayo sa makati at QC ha, bawal plastic dun.”

Dagdag pa niya: “@chuchaychie - John 15:12 pa , of all verses! Hahahahahahaha, yup, your kid should be taken away from you, how can you raise a child in an environment na hypocritical ð��³”

Ang nakasaad sa John 15:12 ay ito: “My command is this: Love each other as I have loved you.”

Binura na ng basher ang kanyang komento at nag-private na rin ito ng kanyang account.

Kaugnay ng isyung ito, noong nakaraang linggo ay ipinagtanggol ng girlfriend na si Angel Locsin si Luis laban sa kumukuwestiyon sa pagkalalaki nito.

Read: Angel Locsin hits back at netizen who called Luis Manzano 'silahis'

Hindi na rin bago kay Luis ang mga ganitong isyu, kagaya ng ibang mga aktor na pinagdududahan din ang kanilang pagkalalaki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN