Yasmien Kurdi looking for new manager: "Kailangan ko aggressive."

Now that she's back in showbiz, Yasmien Kurdi says she needs a manager who will push her, "Kasi masyado akong relaxed. Marami akong gustong gawin sa career ko, like kumanta, gumawa pa ng marami pang projects... gumawa ng movies, ng ganito, ng ganon."


Hindi na nagkaroon ng iba pang manager si Yasmien Kurdi mula nang kumalas siya sa poder ng dati niyang manager na si Lolit Solis.

Ang GMA Artist Center muna ang nagha-handle ng kanyang career ngayon, pero naghahanap siya ng bagong manager.

Ayon kay Yasmien, “Kasi pinag-usapan na namin ni Mam Gigi [Santiago, head of GMA Artist Center] start pa lang ng contract ko na ilalagay kong temporary co-manager si Rey [Soldevilla, Yasmien's husband].

“Actually, naghahanap na ako ng ipapasok sa slot niya, kailangan ko ng manager na magpu-push sa akin. 

“Okey naman kami ni Manay Lolit nung nag-separate kami, sobrang love na love ko siya. 

“Nung bumalik ako sa showbiz, wala na ako sa kanya... kailangan ko aggressive. 

“E, si Nay Lolit, ang hawak niya puro mga superstars na beterano, like Boyet de Leon, Lorna Tolentino. 

“Sabi ko, parang kailangan ko ng magpu-push kasi masyado akong relaxed.

“Marami akong gustong gawin sa career ko, like kumanta, gumawa pa ng marami pang projects.

“Gusto ko nang gumawa ng movies, ng ganito, ng ganun, pero hindi mo magawa kasi walang nagpu-push sa iyo.”

KAPUSO. Hanggang November 2016 daw ang exclusive contract ni Yasmien sa GMA Network, pero ilang buwan nang tapos ang teleserye niyang Yagit ay wala pa siyang bagong acting project.

Wala pa nga raw siyang konkretong plano sa kasalukuyan kapag natapos ang kontrata niya sa kanyang home network.

Pero hindi raw naisip ni Yasmien na lumipat ng ibang istasyon para magbakasali sa kanyang karera.

Paliwanag niya, “Mahal naman ako ng GMA-7, yung mga nanay-nanayan ko, like sina Ma’am Lilybeth [Rasonable]. Parang nanay ko na sila sa industriya.

“Nung bumalik ako ng showbiz, tinanggap naman nila ako. 

“I guess dito na lang muna.”

Kuwento pa niya, “Nung pagkapanalo ko [sa StarStruck, as First Princess], nagkaroon ng three-year contract, yun yung first contract ko… parang guaranteed program. 

“After nung three years ko, binigyan na ako ng monetary contract.

“After nun, pina-terminate ko siya ng 2011, basta nagkaroon ng aberya sa contract dati and nag-aral din kasi ako.

“It would be unfair sa GMA kung babayaran pa rin nila ako, ayokong magkaroon ng isyu.

“Nung 2013, pumirma na ako uli. It was a new contract, new roles, new everything na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO RECORDING. Samantala, balik-recording si Yasmien sa pamamagitan ng charity album na One Heart under GMA Records.

May panghihinayang si Yasmien na iniwan niya ang pagkanta. Dapat nga raw ay pinagsabay na lang niya ang showbiz career niya at ang pag-aaral.

“Natuto naman ako sa college, pero dapat parang ganun,” sabi niya.

Ang awiting “I Know” ang hit single ni Yasmien noong dalaga pa siya at bagu-bago pa lang sa showbiz.

Kapag naririnig daw niyang kinakanta sa mga videoke ang kanyang kanta, “Masaya kapag kinakanta nila. 

“Naa-appreciate nila yung kanta mo at yung kinanta mo before.

“Masaya nga akong kantahin yun kahit paulit-ulit na nire-request sa akin yun.”

Nami-miss na nga raw ni Yasmien ang recording.

“Sobrang nami-miss ko talaga siya.

“Masaya ako na napasama ako sa album na ito kasi sobrang tagal ko nang walang recording, walang album.

“At the same time, nakatulong pa ako sa ibang tao.”

Ang beneficiary ng One Heart charity album ay ang Kapuso Foundation.

“Panahon” ang track na inawit ni Yasmien sa One Heart, na kinanta niya a capella sa presscon ng album na ginanap last week sa 17th floor ng GMA Network Center.

Kung sakaling maglalabas daw ng solo album si Yasmien, isang single lang muna at digital recording ang style.

Kaya pa naman daw sumabay ni Yasmien sa mga mahuhusay na recording artists ngayon.

Aniya, “iba naman kasi yung music ko, parang ang tawag sa kanila electronic music, mix na lahat yung mga songs.

“Dati naman, nag-electro music na ako doon sa second album ko. 

“Pausbong na yung genre na yun kaya nag-electro na kami agad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN