Aiza Seguerra calls Manny Pacquiao "ignorant, bigoted hypocrite" because of his view on same-sex marriage

"Mas masahol pa sa hayop ang tao," ito ang sinabi ni senatorial candidate Manny Pacquiao tungkol sa usapin ng same-sex marriage, na ikinagalit naman nang husto ni Aiza Seguerra.


Umani ng negatibong reaksiyon mula sa marami ang pahayag ni Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

Sa isang 30-second video ng Bilang Pilipino sa Facebook, sinabi ng boxing champ at senatorial candidate ang kanyang opinyon tungkol sa mabigat na usaping same-sex marriage.

Ikinumpara ng Pambansang Kamao ang tao sa hayop upang ipahayag ang pagtutol niya sa nasabing isyu.

Sabi ni Pacquiao: “Mas mabuti pa ang hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae o babae, di ba?

“Ngayon, kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao.”

Habang isinusulat ang istoryang ito, trending na sa Twitter ang pangalan ni Pacquiao dahil sa kanyang pahayag. Karamihan sa kanila ay hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

Kabilang na rito ang singer-actor na si Aiza Seguerra, isang transgender na kasal sa aktres na si Liza Diño.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, inihayag ni Aiza ang pagkadismaya niya sa Pinoy boxing champ:

“I am so fuckin' mad I don't know what to say.

“You might've done our country proud but with your statement, you just showed the whole country why we shouldn't vote for you.

“And yes, I think you are an ignorant, bigoted hypocrite.

“You made me lose all respect that I had for you, Mr. Pacquiao.”

Sa caption ng kanyang post, nagbigay-paalala rin si Aiza sa mga boboto sa May 2016 elections.

Diin niya, “Ang kailangan ng bansang ito ay mga taong nag-iisip. Utang na loob, kilalanin ninyo ang iboboto ninyo.”

Ang kailangan ng bansang ito ay mga taong nag-iisip. Utang na loob, kilalanin ninyo ang iboboto ninyo.

A photo posted by CY Diño Seguerra (@cyseguerra) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN