Vice Ganda slams Manny Pacquiao's condemnation of same-sex marriage

Vice Ganda on Manny Pacquiao's disapproval of same-sex marriage, LGBT community: "Ang pagpatol sa parehong kasarian ay masahol pa sa hayup? E, ang pakikiapid habang ika'y may asawa anung kababuyan ito? Pakisagot Manny!"


Ikinagalit ni Vice Ganda ang napabalitang pagkondena ng boxing champ na si Manny Pacquiao tungkol sa isyu ng same-sex marriage.

Kaugnay ito ng pahayag ni Pacquiao na “mas masahol pa sa hayop” ang mga taong pumapatol sa kaparehong kasarian.

Read: Aiza Seguerra calls Manny Pacquiao 'ignorant, bigoted hypocrite' because of his view on same-sex marriage

Binuweltahan ni Vice ang Pambansang Kamao sa pamamagitan ng Twitter post niya ngayong araw, February 16.

Pinasaringan ng komedyante ang pakikiapid ng senatorial candidate sa ibang babae kahit na may asawa na siya.

Pahayag ni Vice bilang bahagi ng LGBT o lesbian, gay, bisexual, and transgender community:

MANNY'S CONTROVERSIAL PAST. Hindi kaila sa publiko na makailang-beses nang nasangkot si Manny sa kontrobersiyang may kinalaman sa pambababae nito noon.

Pinakamatunog dito ang napabalitang relasyon nila noon ng aktres na si Krista Ranillo.

Mismong ang boxing champ ay inaming muntik silang naghiwalay ng misis niyang si Jinkee Pacquiao dahil dito.

Ngunit nagbago na raw si Manny at tuluyang isinuko ang kanyang mga bisyo, tulad ng pambababae at pagsusugal mula nang siya ay maging born-again Christian.

Read: Manny Pacquiao admits womanizing ways almost led to breakdown of his marriage

Gayunman, iginiit ni Vice na hindi ito sapat na dahilan upang husgahan ni Manny ang pananaw at buhay ng ibang tao.

UNFIT FOR CONGRESS OR SENATE? Kasabay nito, pinatutsadahan din ni Vice ang madalas na pagliban umano ni Manny sa Kongreso, pati na rin ang kakulangan ng kaalaman ng boxing champ pagdating sa pagpasa ng batas.

Lalo pa't kumakandidato si Manny bilang senador para sa 2016 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN