Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage

Humingi na ng paumanhin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao tungkol sa kanyang pagkumpara sa LGBT community sa hayop. Pero nanindigan din ito sa kanyang naunang pahayag tungkol sa pagtutol niya sa pagpapakasal ng parehong kasarian. Sabi niya, "Please forgive me for those I've hurt. I still stand on my belief that I'm against same sex marriage because of what the Bible says, but I'm not condemning LGBT."


Humingi na ng paumanhin si Sarangani Representative at senatorial candidate Manny Pacquiao kaugnay ng kanyang mahigpit na pagtutol sa same-sex marriage.

Sa pamamagitan ng Instagram, ilang minuto pa lang ang nakalilipas ngayong Martes ng gabi, February 16, tatlong magkakasunod na InstaVids ang in-upload ng Pambansang Kamao.

Ngunit kahit humingi siya ng tawad sa kanyang mga nasabi, nanindigan pa rin Pacquiao sa kanyang paniniwala tungkol sa same-sex marriage dahil ito raw ang nakasaad sa Bibliya.

Nakasaad sa caption sa tatlong videos: “I'm sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals.

“Please forgive me for those I've hurt.

“I still stand on my belief that I'm against same sex marriage because of what the Bible says, but I'm not condemning LGBT.

“I love you all with the love of the Lord.

"God Bless you all and I'm praying for you.”

Mensahe niya sa videos: “Hello po sa inyong lahat, maraming salamat sa dasal at suporta.

“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan dahil sa aking pagkumpara sa tao sa hayop.

“At yun po ay kamalian ko at ako ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nasaktan.

“At hindi po nagbabago ang aking desisyon na against po ako sa [same-sex marriage] sa paniniwala ko.

“Ang mali ko lang po is nakumpara ko po yung tao sa hayop.

"So, humingi po ako ng paumanhin.

“I’m humbling myself before you and before God for my mistake.

“Thank you and God bless.”

“DESIRES OF THE FLESH.” Bago pa ang InstaVids na ito, pinanindigan ni Pacquiao ang kanyang naunang pahayag tungkol sa same-sex marriage sa Instagram post din niya ngayong hapon, February 16.

Kahit samu't saring batikos na ang kanyang natatanggap dahil sa pagkumpara niya sa mga miyembro ng LGBT o lesbian, gay, bisexual, transgender community sa mga hayop, sinabi niyang nagsasabi lang siya ng totoo base na rin sa nakasaad sa Bibliya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang post sinabi ng Pambansang Kamao na: “I rather obey the Lord's command than obeying the desires of the flesh.

“I’m not condemning anyone, but I'm just telling the truth of what the Bible says. The truth from the Bible is what changed me from my old ways. 1 Corinthians 6:9

“[9] Or do you not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor men who have sex with men.

“God Bless everyone I love you all.”

Matatandaang sa panayam ng Bilang Pilipino ng TV5, sinabi ni Manny na, “Mas mabuti pa ang hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae o babae, di ba?

“Ngayon, kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao.”

Naging trending topic sa Twitter ang panayam na ito ng Pambansang Kamao at nabatikos siya nang husto dahil sa kanyang pananaw sa pagpapakasal ng magkaparehong kasarian.

Ilan sa mga bumatikos sa kanya ay ang mga artistang sina Aiza Seguerra at Vice Ganda, at ang American celebrity blogger na si Perez Hilton.

Read: Aiza Seguerra calls Manny Pacquiao 'ignorant, bigoted hypocrite' because of his view on same-sex marriage

Read: Vice Ganda slams Manny Pacquiao's condemnation of same-sex marriage


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN