Vice Ganda accepts Manny Pacquiao's apology, but still won't vote for him

"Manny said sorry. Apology accepted. But i will still not vote for him. Manny for boxing not for Senate," said Vice Ganda in his Twitter post Tuesday night, February 16. 


Hindi nagdalawang-isip si Vice Ganda na tanggapin ang paghingi ng dispensa ni Manny Pacquiao kaugnay ng binitiwang salita ng Pambansang Kamao laban sa LGBT o lesbian, bisexual, gay and transgender community.

Read: Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage

Gayunman, tahasang inihayag ng Kapamilya comedian-TV host na hindi magbabago ang kanyang desisyong hindi iboto ang boxing champ bilang senador sa 2016 elections.

Sa kasalukuyan ay nagsisilbi si Manny bilang Sarangani representative.

Giit pa ni Vice, naniniwala siyang wala sa posisyon si Manny upang manghusga kung ano ang tama o mali.

Lalo pa't mismong si Pope Francis, na siyang kinikilalang pinuno ng Simbahang Katoliko, ay nagpamalas ng respeto para sa LGBT community. 

Ginamit din ni Vice ang sikat na hashtag na #LoveWins bilang tanda ng patuloy na pagsuporta sa anti-discrimination advocacy ng LGBT community. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN