Kahit humingi na ng paumanhin si Sarangani Representative Manny Pacquiao sa lahat ng kanyang mga nasaktan dahil sa pagsabi niyang “masahol pa sa hayop” ang pagpapakasal ng may parehong kasarian, patuloy pa rin ang pagbuhos ng batikos galing sa ilang personalidad laban sa Pambansang Kamao.
Nauna na sina Aiza Seguerra, Vice Ganda, John Lapus, Ai-Ai delas Alas, American celebrity blogger Perez Hilton, at ang King of Talk na si Boy Abunda.
Iisa lang ang ipinunto nila: huwag masyado manghusga sa kapwa si Manny.
Read: Boy Abunda to Manny Pacquiao: 'Sino ka para manghusga?'
Read: Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage
COMMON SENSE. Sa pahayag ni Manny sa isang panayam sa telebisyon, sinabi niyang: “Common sense lang. Makakakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki, babae sa babae?
“Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumilala kung lalaki, lalaki, o babae, babae. Kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao.”
Ito rin ang binigyang pansin ng partner ni Aiza, ang aktres na si Liza Diño.
Ikinasal ang dalawa sa isang legal union sa California noong December 2014, kung saan legal ang same-sex marriage.
Sa Instagram idinaan ni Liza ang kanyang galit laban sa Pinoy boxing champ.
Panimula niya, “Aminado ako nagalit ako nung una.
“But sabi ko nga, di ba, nag-mature na ang pananaw ko dito after going through this every single day from random people.
“Kaso, champion ka. Hero ka namin. Hindi ka random.
“Kaya siguro mas personal talaga to... I tried to understand and analyze where you might be coming from and after trying to process things, mas nangibabaw ang AWA ko sa 'yo. At sa Pilipinas.
“Bakit?
“1) Kung ang basis sa definition mo ng 'common sense' ay ang analogy mo tungkol sa mga hayop at tao, naku, e, bumalik ka muna ng elementary para mag-refresher tungkol sa Zoology.
“Nakakaloka! Daig ka pa ng anak ko! There are a lot of animals who display homosexual behavior so dun pa lang, waley ka na. Tsk tsk.
“2) Mas masahol pa kaming LGBT sa hayop. Ummm, alam mo yung Darwinian theory? Naku, mukhang hindi nooh? Bilis! Balik ka ulit sa elementary. Human evolution naman ang aralin mo.
“Para pag naghanap ka ng mga supporting comments sa Anti-LGBT campaign mo, e, mas may basis. We all came from primates. May theory na ganyan. So, yes, we are all ANIMALS.
“3) Samahan mo na rin ng GMRC. Alam mo yun? Good Manners and Right Conduct.
“Mainam yan para matuto ka kung pano rumespeto sa mga tao bilang tao. Hirap sa 'yo puro Christian education ka, mali naman ang mga turo sa 'yo.
“Mas nagiging mapanghusga ka at walang modo dahil sa tinuturo ng relihiyon mo.
“4) After realizing all this, bigla akong naawa sa Pilipinas. We have you in congress to make rules for this country!
“Nakakaloka! After your display of complete disregard for humanity, nakakadismayang isinasaalang-alang namin sa 'yo ang kapakanan ng bansa namin.
“Hala... ayaw! Afraid! Please, mag-boxing ka na lang. Mas may pakinabang pa...
“5) There is a slight possibility that you are blinded by the scripture.
“At kung ito man ang dahilan kung bakit nagawa mong mag-comment ng mga ganyan, then yun, I really pity you. Mahirap gamutin ang self-inflicted na kamangmamangan...
“Love CANNOT be conditional. Kung makatao ka at marunong magmahal, then it should be encompassing and unconditional.
“I'm not giving up on you MANNY. Baka nabubulagan ka lang ng mga paniniwala mo.
“Too much bible study w/o a critical mind is dangerous to ur humanity and spirituality.”