How Robin Padilla, BB Gandanghari feel about Manny Pacquiao same-sex marriage issue

Robin Padilla and BB Gandanghari both do not agree with Manny Pacquiao's disapproval of same-sex marriage, but Robin still supports Manny.


Parehong hindi sang-ayon ang magkapatid na sina Robin Padilla at BB Gandanghari sa naging pahayag ni senatorial candidate at incumbent Sarangani Representative Manny Pacquiao na "mas masahol pa sa hayop" ang pagpapakasal ng dalawang taong may parehong kasarian o ang tinatawag na same-sex marriage.

Maraming miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community at mga sumusuporta sa kanila ang nagpahayag na ng galit at pagkadismaya sa pananaw na ito ng Pambansang Kamao.

Bagamat hindi sumasang-ayon si Robin sa tila diskriminasyon ni Manny sa LGBT community, sinabi pa rin ng action star na hindi magbabago ang suporta niya kay Manny.

Tinawag pa ng action star ang Pinoy boxing champ na “my senator” sa kanyang Instagram post nitong Martes, February 17:

“My senator, public service is not selective. Protect those who are few, poor and weak. Religion has nothing to do with it or around it…” sabi ni Robin, bilang reaksiyon sa paniniwala ni Manny na naaayon daw sa Bibliya.

Ngunit naniniwala pa rin daw si Robin sa kabutihan ng loob ng boxer-turned-politician.

“My support to you will not change i still believe in your heart.... Listen to it and trust it always..... It will never mislead a HERO.”

Salungat naman dito ang naging reaksiyon ng kapatid ni Robin na si BB Gandanghari, isang transgender.

Sunud-sunod ang tweets ni BB na kumakastigo sa naging pahayag ni Manny.

Ayon kay BB, sinuportahan at minahal ng LGBT community si Manny ngunit tila wala itong utang na loob.

Tinawag pa niyang “bigot with gender discrimination” ang boksingero.

Base sa tweets ni BB, partikular niyang binatikos si Manny dahil sa diskriminasyon nito sa mga kagaya niya.

Dagdag pa ni BB: “Nilait at pinababa niya ang tingin sa mga katulad namin. Walang perpekto sa mundo pero sana wag na nating ipagtanggol ang kagaya niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN