Ara Mina on Manny Pacquiao's statement against LGBT: "Sana di na lang niya ikinumpara sa animals."

Ara Mina also cites the Bible for her belief that only a man and a woman can get married, but she offers a caveat: "May freedom naman tayo to do anything what we want... di kasi natin maiiwasan 'yan, e, kapag ma-in love ka sa kapwa lalaki mo o kapwa babae mo."


Nagbigay ng kanyang opinyon ang aktres na si Ara Mina tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng senatoriable na si Manny Pacquiao kaugnay ng pahayag nito tungkol sa same-sex marriage.

Kung matatandaan, si Ara ay minsan na ring na-link sa Pambansang Kamao.

Sabi ni Ara, “Naku, actually, mahirap mag-comment diyan.

“Baka hindi lang nagustuhan ng mga tao ang pagka-deliver niya.

“And siyempre, sa tingin ng ibang tao ay harsh.

“Naku, ang hirap, ang hirap mag-comment!” pagdadalawang-isip pa niya.

Patuloy pa niya, “Siguro, hindi na lang dapat nag-compare [si Manny].

“Hindi na lang niya kinumpara kasi mahirap talaga, e.

“Very sensitive ang isue na ‘yan, at marami tayong mga nakilala na nasa... lalo na yung sa showbiz.

“Marami siyang nasagasaan pero, alam ko, marami rin siyang friends na ganun.

“Siguro hindi niya na-deliver nang maayos at, yun nga, sana di na lang niya ikinumpara sa animals.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa premiere ng pelikulang Tupang Ligaw, na ginanap sa Cinema 3 ng Fishermall, sa may Quezon City, kagabi, February 16.

AGAINST SAME-SEX MARRIAGE. Ano naman ang opinyon ni Ara sa same-sex marriage?

Pahayag niya, “Against ako, pero hindi naman ako against kung nagmamahalan ang dalawa.

“Kumbaga, may freedom naman tayo to do anything what we want, di ba?

“Depende kasi ‘yan sa religion, sa paniniwala mo, kasi sa Bible, yung babae't lalaki lang yung ikinakasal.

“Pero hindi ako against sa... di kasi natin maiiwasan 'yan, e, kapag ma-in love ka sa kapwa lalaki mo o kapwa babae mo.

“Hindi naman kasi nila kasalanan kung bakit nila nararamdaman yun, e.

“So ako, kung lesbian ako, masasaktan talaga ako sa sinabi ni Manny.”

MANNY’S FIGHT. May kampanya nga raw ngayon ang mga miyembro ng LGBT community na huwag nang iboto ang kasalukuyang kongresista ng Sarangani sa darating na May 2016 elections.

Si Ara ba ay makikisimpatiya sa mga ito; hindi ba niya iboboto si Manny?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal bago sumagot ang aktres at sinabing, “Ayokong magsalita.

“No comment ako, no comment ako, nasa gitna lang ako.

“Kumbaga, kanilang laban ‘yan, e. Mahirap.”

Pero dagdag niya, “Hindi ko naman inaano si Manny, dahil sa sobrang ano niya sa religion niya, talagang ganun na siyang nakapagsalita.

“Marami ang nagalit talaga, grabe ang community ng LGBT.”

Sa tingin ba niya, makakaapekto ito sa political career ng boxing champ?

Ayon sa 36-year-old actress, “Yes, kasi grabe yung clout ng LGBT, e.

“Isa talaga ‘yan sa sensitive issues.

“Maraming sensitive issues sa atin na dapat pag-ingatan ng mga politiko.

“Kahit ako nga nun, dahil hindi pa ako masyadong updated sa current issues, nalait na rin ako diyan, e.

“Na-experience ko na yun, so ngayon, I see to it na updated ako sa current issues.”

Humingi na ng paumanhin si Pacquiao ngunit pinaninindigan daw nito ang kanyang sinabi.

Sabi naman ni Ara, “Pero, nasaktan na, e... maganda na rin yung nag-apologize siya.

“One step yun para mahabol niya yung mga nasaktan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN