Sen. Juan Ponce Enrile tells Manny Pacquiao critics: "They better go to Mars!"

Senator Juan Ponce Enrile says Manny Pacquiao's apology showed "a better leadership than most people."


Sa gitna ng kontrobersiya at mga batikos na kinahaharap ngayon ni Manny Pacquia, nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ni Senator Juan Ponce Enrile.

Hindi rin daw pabor ang 92-year-old senator sa same-sex marriage.

Sa panayam sa kanya ng ilang reporters kahapon, February 17, sinabi ni Enrile tungkol sa mga kritiko ni Manny Pacquiao: “They better go to Mars!”

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pahayag ng Pambansang Kamao tungkol sa same-sex marriage, kung saan nabanggit niya ang katagang “mas masahol pa sa hayop.”

Bagamat humingi na siya ng tawad para sa nasambit na salita, nanindigan pa rin si Manny sa kanyang pananaw tungkol sa same-sex marriage.

ICYMI: Manny Pacquiao's statement on same-sex marriage issue irked the public especially the LGBT community. He apologized but stood by his opinion in the said issue.

Posted by pep.ph on Tuesday, February 16, 2016

Ganito rin ang opinyon ni Enrile tungkol sa same-sex marriage, ayon sa ulat ng GMA News.

Pahayag ng senador, “I can never support it... Unnatural yun, e. Sa akin, I will not make it that strong but that is unnatural.”

Pinuri rin ni Enrile si Manny “[for] showing a better leadership than most people.”

Ayon pa sa senador, hind dapat mabahala si Manny sa magiging epekto nito sa kandidatura niya bilang senador.

“Nakita ko galaw ng tao, panalo 'yan, maski anong batikos mo sa kanya. Panalo 'yan. Ang kanya, masa ng Pilipinas. 'Yan ang nakakarami.”

Para naman sa kanyang panig, hindi raw natatakot si Enrile kung siya naman ang tirahin nga mga miyembro ng LGBT community.

Pahayag niya, “E, anong pakialam ko sa kanila kung babanatan ako? Sasabihin ko sa kanila, sira nga ulo ninyo. Anong ginagawa ninyo? Hindi naman kayo Diyos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN