Meryll Soriano mum about Bernard Palanca-Jerika Ejercito rumored split

Meryll Soriano on her choice to be single at the moment: "Kapag may nararamdaman ako na gustong pumorma, ipinapaalam ko agad na hindi puwede. Mapi-feel naman nila na hindi ako interested. Mas priority ko ang trabaho at ang anak ko."


Bukas sa publiko ang pagiging malapit na magkaibigan nina Meryll Soriano at Jerika Ejercito, na parehong may anak sa aktor na si Bernard Palanca.

Si Meryll ay dating asawa ni Bernard at mayroon silang isang anak na lalaki, si Elijah.

Si Jerika naman ang kasalukuyang girlfriend ni Bernard at mayroon na rin silang isang anak na lalaki, si Isaiah.

Ayon kay Meryll, madalas silang mag-bonding ni Jerika dahil na rin sa kanilang mga anak.

Ipinost pa nga ng aktres sa kanyang Instgram account (planetumeboshi) ang ilang larawan nila ni Jerika habang nasa coffee shop.

#Repost @armimillare ??? Missing Mers de Rossi. @msderossi

A photo posted by Meryll Soriano (@planetumeboshi) on

Kuwento ni Meryll, “Kailangan din namang mag-bonding ang magkapatid. Walang problema sa amin ni Jerika yun.

“Unang-una, magkakilala kami ni Jerika noon pa. Schoolmates kami sa OB Montessori noong mga bata pa kami.”

Dagdag niya, “Sino ba kasi makakapagsabi na iisang lalaki lang pala ang magiging ama ng mga anak namin, di ba?

“Nakakatawa lang, pero paraan na rin siguro ni Lord yun na mangyari ito.

“At least, magkakilala at magkasundo ang mga anak namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meryll sa set ng That’s My Amboy, sa Studio 7 ng GMA Annex Building, noong February 15.

DOES NOT ASK ABOUT BERNARD. Ayon kay Meryll, kahit nagkakasama sila ni Jerika, hindi raw niya kailanman nagtatanong tungkol kay Bernard.

Ikinasal sina Meryll at Bernard noong 2006, pero naghiwalay rin sila noong 2007.

Noong 2015 na-annul ang kasal nila sa Huwes.

Nabalita namang naghiwalay na sina Jerika at Bernard, pero pinabulaanan ito ng aktor sa isang press conference.

Read: Bernard Palanca denies rumored breakup with girlfriend Jerika Ejercito

Saad ni Meryll, “Hindi ko tinatanong si Bernard sa kanya.

“Nahihiya kasi ako, baka isipin ni Ika na napakatsismosa ko.

“Kapag magkasama kami para sa playdate ng mga bagets, kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin.

“Kasama naman namin ang ibang friends namin kaya never nata-touch ang tungkol kay Bernard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin naman, ayoko din siyang pinag-uusapan.

“Time namin yun at mga bata ang pinag-uusapan namin.”

Pero naniniwala ba siyang sina Bernard at Jerika pa?

Sagot ni Meryll, “Wala talaga akong alam.

“Humihina na kasi ang radar ko! Promise, wala akong alam.

“Hindi kasi ako nagtatanong kaya, ayan, wala akong masagot!” sabay tawa niya.

LOVELESS. Sa kaso naman ni Meryll, loveless daw siya ngayon at wala pa siyang balak magpaligaw.

Sabi niya, “Decision ko na rin yun.

“Kapag may nararamdaman ako na gustong pumorma, ipinapaalam ko agad na hindi puwede.

“Mapi-feel naman nila na hindi ako interested.

“Mas priority ko ang trabaho at ang anak ko.

“Ngayon kasi may business kaming sisimulan called Community. It’s more on product designs na ako gumawa.

“Ginagamit ko na ang napag-aralan ko and turning it into a small business.

“Paunti-unti muna tayo. Start muna tayo sa maliit.

“Kapag naging success, puwede tayo mag-venture sa mas malaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN