Laguna Rep. Dan Fernandez says there are many closeted gay politicians

Actor-politician Dan Fernandez on Manny Pacquiao: "Nasabi niya yung mga words na yun dahil din sa paniniwala niya, sa kanyang pananampalataya, at sa Bibliya na kanyang binabasa. Siguro out of impulse o out of intense faith, nasabi niya yung comparison. Iyon nga, mali talaga yung pagku-compare dun sa animals."


Nalulungkot ang actor-politician na si Dan Fernandez sa pambabatikos na natatanggap ngayon ng kapwa niya kongresista na si Manny Pacquiao dahil sa naging pahayag nito tungkol sa same-sex marriage.

Pahayag ng Laguna representative, “Si Manny, alam naman natin na very religious, yung faith niya, about sa born-again beliefs.

“Na nasabi niya yung mga words na yun dahil din sa paniniwala niya, sa kanyang pananampalataya, at sa Bibliya na kanyang binabasa.

“He said sorry.

“Siguro out of impulse o out of intense faith, nasabi niya yung comparison.

“Iyon nga, mali talaga yung pagku-compare dun sa animals.

“And ako mismo, talagang kinu-condemn natin yung ganung klase ng comparison.

“But sometimes, we have to realize that we, humans, we commit mistakes as well, e. Di ba? Lahat naman tayo nagkakamali.

“At unfortunately, yung pagkakasabi niya nung comparison, kung papanoodin mo yung video niya, talagang naka-base siya dun sa kanyang intensity ng kanyang pananampalataya, e. Kaya nakakalungkot.

“At bilang nabitawan niyang pananalita na nasaktan natin yung ating mga mga LGBT community.

“At sabi nga, kung ang Diyos marunong magpatawad, bakit tayo hindi natin siya patawarin?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dan sa Valentine lunch treat niya sa ilang miyembro ng media kahapon, February 18.

SAME-SEX MARRIAGE. Kung si Dan naman ang tatanungin, ano ang pananaw niya tungkol sa same-sex relationship at same-sex marriage?

Saad niya, “Ako, ang paniniwala ko diyan talaga, okay tayo, yung Filipino culture natin, yung kultura natin dito sa Pilipinas, hindi pa natin tanggap yung same-sex marriage, e. Di ba? Hindi pa.

“Pero I believe that eventually ano… siguro darating yung panahon, na darating ‘yang mga ganyang bagay.

“Pero siguro nga ngayon, puwede naman yung union, e, di ba, union, ng pagsasama ng isang couple. Pagrerespeto sa kanilang karapatan.

“Ang karapatan nila yung magmahal sila ng taong gusto nila at makasama nila nang habambuhay. Puwede yun, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I’m encouraging na siguro yung next congress, na mag-create ng batas na allowing the legality of the union. Di ba?

“Pero hindi kasing bigat nung pagpapakasal ng dalawang nilalang.”

Patuloy ni Dan, “So, alam mo, tama yung sinabi ni Tito Boy Abunda.

“Yung evolution ng tao, nagiging masyadong… nagiging advanced, e.

“Katulad na nga nitong social media, mabilis ang ating Internet, napakabilis…

“Nag-e-evolve ang human beings at maraming mga bagay na hindi natin inaakalang mangyayari agad.

“Katulad ng sinabi ni Tito Boy, sabi niya na, dati, mga slaves yung mga black.

“And now, we know that Barack Obama is a black guy and he is now the President of the most powerful nation in the world.”

GAY PRESIDENT? Kuwento pa ng kongresista mula sa Laguna, “Two weeks ago, magkasama kami ni Kuya Boy, e. Alam mo, may sinabi siya sa akin about LGBT.

“Ang naaalala kong sinabi niya, kasi very intense siya dun sa kanyang advocacy, e.

“Sabi niya, ‘Alam mo, Dan, darating ang panahon, naniniwala ako na dito sa Pilipinas, ang susunod na magiging Presidente sa malapit na panahon ay isang gay.’

“Ito naman, sabi ko sa kanya, ‘Tito Boy, hindi malayo ‘yan dahil sa Senado merong bakla!’

“Hindi, joke lang, joke lang yun!” ang tumatawang pagbawi ni Dan sa kanyang sinabi.

“Pero sabi ko, hindi malayong mangyari yun.

“Alam mo, marami sa ating mga politician na tago, ha? Pero dahil sa bias ng komunidad natin sa mga LGBT, maraming nagtatago.

“Pero once, I mean kung ibibigay natin yung full rights ng LGBT, maniwala kayo, lahat 'yan maglalabasan, e, di ba?

“At baka magulat tayo, kalahati ng populasyon, lahat, e, member ng LGBT community.

“What I’m trying to say is marami sa kultura natin na talagang getting against the LGBT community, which I believe is parang nakakababa ng moralidad dahil nga sila ay tao, human beings, who have the same rights as others as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya dapat iyon ang iingatan natin sa LGBT.”

Umamin din si Dan na maraming bakla na nanligaw sa kanya noon.

May isa nga raw sikat na senador na pilit siyang binosohan sa comfort room ng isang bar; artista pa lamang si Dan noon at hindi pa pulitiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN