Yeng Constantino apologizes to LGBTs on behalf of fellow Christians

Yeng Constantino to the LGBT community: "Believe me or not, hindi po lahat ng Kristiyano ganyan ang tingin sa inyo. Marami lang po diyan ang tahimik dahil takot na baka sila naman ang tirahin ng kapwa nila Kristiyano. Maniwala po kayo na marami-rami rin po kami. Mahal po namin po kayo."


Ikinasama ng loob ni Yeng Constantino ang paghimok sa kanya ng isang follower niya sa social media na magbigay ng opinyon, bilang isang Kristiyano, kaugnay ng kontrobersiyal na statement ni Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

“Hindi talaga ako natuwa, nagalit ho ako. Nagpapakatotoo lang po ako, ha, nagalit po ako,” bungad ng Kapamilya singer sa kanyang Facebook video na ibinahagi niya ngayong Huwebes ng hapon, February 18.

Ayon kay Yeng, hindi madali para sa kanya ang magbigay ng kanyang saloobin sa sinabi ni Pacquiao, kung saan inihalintulad nito ang gawain ng mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) sa mga hayop.

“Buti na lang pinigilan ako ni Yan [Asuncion, Yeng's husband] at nagdasal kami.

“Sabi niya sa akin, 'Love, magdasal muna tayo before mo i-post 'yan.' When we prayed, naiyak talaga ako, 'Lord, ang sakit.'”

Ipinaliwanag ni Yeng kung bakit mahirap para sa kanya ang magsalita tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Manny.

“Para po sa mga hindi nakakaalam, Kristiyano po ako, pero may kapatid po akong bading.

“Siguro sa ibang tao madali pong magkomento ng ganoon lamang, kasi wala kayong kapamilya na ganun.

“Pero sa amin po, hindi, dahil alam po namin ang pakiramdam na masaktan sila, umiyak sila.

“Nasaksihan po namin 'yon simula bata hanggang ngayon.

“For someone na gusto akong i-encourage to talk like that about my brother, hindi ko kayang gawin yun.”

Sa halip na sagutin ng galit na mensahe ang kanyang follower, nagdasal na lamang daw sila ng kanyang mister na si Yan Asuncion.

“Nakalma yung heart ko, umiyak na lang ako kay God, lahat ng napi-feel kong masama, binuhos ko na lang.”

BROTHER'S REACTION. Katulad ng ilang miyembro ng LGBT community, nasaktan din umano ang kapatid ni Yeng sa naging pahayag ni Pacquiao.

Dahil dito, humingi raw ng tawad ang singer sa kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran daw niya sa kanyang kapatid nang sabihan siya nitong hindi naman siya si Manny Pacquiao, “Ayaw kong maniwala ka na ganun ang pagtingin sa 'yo ng lipunan dahil hindi 'yon totoo.

“Mismong ako na kapatid mo, hindi yun ang pagtingin ko sa 'yo.”

Dagdag pa ni Yeng, “Minsan okay din ang makipag-usap sa kapatid ng ganun, sa pamilya mo, kahit ang corny.

“Sa totoo lang, kung kailangan talagang sabihin, sabihin natin.

“Kasi kung mismong sa bahay natin, hindi nila napi-feel na mahal sila, paano sila lalabas at mapi-feel nila na mahal sila?”

Kaya naman sinasabi sa kanyang nakatatandang kapatid: “Lahat ng suporta na ibinibigay ko sa 'yo is because I believe in you and I'm proud of you.”

Patuloy ni Yeng, “Naisip ko nga rin na kung ako nga may ganung pagmamahal sa kapatid ko, paano pa si God, di ba?

“Paano pa ang Diyos, e, siya ang love. God is love.

“Yung pagmamahal ko siguro sa kapatid ko, kakarampot lang yun sa love ni God for him.”

NOT LIKE OTHER CHRISTIANS. Muli ring nilinaw ni Yeng na bagamat isa siyang Kristiyano, hindi naman siya sang-ayon sa opinyon ni Manny tungkol sa same-sex marriage.

“So, in behalf po sa LGBT community, hindi po ako si Manny Pacquiao, pero believe me or not, hindi po lahat ng Kristiyano ganyan ang tingin sa inyo.

“Marami lang po diyan ang tahimik dahil takot na baka sila naman ang tirahin ng kapwa nila Kristiyano.

“Maniwala po kayo na marami-rami rin po kami. Mahal po namin po kayo.”

Paalala rin niya sa mga miyembro ng LGBT community, “Huwag niyo hayaan na mai-define kayo ng mga sinasabing condemnation ng mga tao about you.

“I believe that God believes in you.

“Sorry po in behalf of those Christians who are growing still in compassion. Ako, ang dami ko pa ring room para diyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bandang huli ng kanyang video message, idiniin ni Yeng na kahit isa siyang Kristiyano, hindi siya magbibigay ng pahayag laban sa homosexuality.

Aniya, “Hindi ko po pupuntahan ang route na yun.

“I believe na ibinigay po sa akin ni Lord na ministry is ministry of reconciliation.

“Sabi nga po sa Bible, 'They will know that you are my disciple because of my love.'

“Kung wala tayong pag-ibig at kaya nating gawin ay tumuro ng kasalanan ng mga tao, paano natin ire-represent ang puso ni Jesus Christ?

“Are we loving? Are we really loving people? That's the question.

“I'm not saying this dahil perfect po ako, ha.

“Gusto ko rin po sa heart ko, ang motive sa lahat ng ginagawa ko ay love. Hindi mangutya, hindi manakit.

“Hindi po ako perfect.”

Sa huli sabi ni Yeng, “I believe that we're growing and mapupunta sa next level ng compassion, understanding, and love.”

Panoorin ang Facebook video ni Yeng dito:

Video: About LGBT issue. Dahil sa isang tweet napasagot tuloy ako. Pero salamat na din. �� peace to everyone.

Posted by Yeng Constantino on Wednesday, February 17, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN