Nora Aunor hits Manny Pacquiao over gay slur: "Mayabang talaga siya."

Nora Aunor says Manny Pacquiao should have kept his opinion about same-sex marriage to himself. "Nasa gobyerno siya, di ba?" says the Superstar.


“Hindi naman tama kasi nasa gobyerno siya, di ba?”

Ito ang naging komento ng Superstar na si Nora Aunor tungkol sa kontrobersiyal na opinyon ni Sarangani Representative Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

Para sa aktres, dapat ay hindi na lamang isinapubliko ng Pambansang Kamao ang kanyang saloobin tungkol sa isyu.

“Kung ano ang personal na opinyon niya, itago na lang niya. Huwag na siya magdadaldal, para siyang babae,” sabi ni Nora, ayon sa ulat ni Aya Tantiangco ng GMA News.

Sa kanyang sumunod na pahayag, tila nagpasaring din ang Superstar tungkol kay Manny.

“Wala siyang pakialam dun, e, masama na nga kung sugarol ka, babaero ka—mas masama yun, di ba?”

Matatandaang humingi na ng paumanhin si Manny sa kanyang pagsasabi na ang homosexual acts ay “mas masahol pa sa hayop.” Gayunman, nanindigan siya sa pagtutol sa same-sex marriage.

Kung si Nora ang tatanungin, hindi na mababago ng paumanhin ni Pacquiao ang sakit na naidulot ng kanyang pahayag tungkol sa mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

“Wala na actually, hindi na dapat kasi andun na.

“Humingi man siya ng tawad, wala na rin, mayabang talaga siya.”

Kung si Nora naman daw ang tatanungin, pabor ang Little Nanay actress sa marriage equality

“Bakit naman hindi? Kaysa naman nagtatago kayo, e, alam naman ng mga tao,” katuwiran niya.

Noong 2007 ay pumutok ang balitang nagpakasal diumano si Nora sa kapwa niya babae—ang talent manager niya noong si Norie Sayo.

Ayon sa reports, ikinasal diumano sina Nora at Norie sa Las Vegas noong May 22, 2000.

Ngunit parehong itinanggi nina Nora at Norie ang nasabing balita.

Read: Did Nora Aunor marry her lesbian manager in Las Vegas?

Read: Norie Sayo denies marrying Nora Aunor in the U.S.

Samantala narito ang public apology ni Manny Pacquiao:

I'm sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I've hurt. I still stand on my belief that I'm against same sex marriage because of what the Bible says, but I'm not condemning LGBT. I love you all with the love of the Lord. God Bless you all and I'm praying for you.

Posted by Manny Pacquiao on Tuesday, February 16, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN