Matteo Guidicelli gushes over growing closeness of girlfriend Sarah Geronimo to his family

Matteo Guidicelli is a man happily in love: "The whole purpose of love is to let everybody be happy. There's no reason, there's no touch of sadness or negativity. It's all about good vibes… so you're happy, everybody's happy, yun talaga yun."


Kinontra ni Matteo Guidicelli ang obserbasyon ng ilan na mas marami siyang proyekto ngayon kumpara sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Sabi ni Matteo, “Hindi naman... ang dami rin niyang ginagawa ngayon, busy rin si Sarah.

“Ang daming blessings lang, especially Dolce Amore na yung sa pilot airing namin, mataas kami [ratings].

“Maraming salamat po. Sobrang lakas ng LizQuen [Liza Soberano-Enrique Gil loveteam], magandang oportunidad ito.”

Nagpasalamat nga raw si Matteo kay Sarah dahil sa paiging supportive nito sa kanyang career.

“She's always supportive naman with all the projects that I do, she’s always there for me.”

Ikinatutuwa rin ni Matteo na umani ng maraming likes at magagandang feedback ang larawan nilang dalawa ni Sarah na magkasama noong Valentine's Day, February 14.

Bukod sa larawang nakitang magkasama sila sa isang hotel sa Makati na kumakain, naging instant hit din ang larawan nila sa City Kart Racing sa Makati, kasama ang nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo.

Read: Matteo Guidicelli brings along little brother on Valentine's Day date with Sarah Geronimo

Ang mga larawan kasing ito ang nagpapatunay na solido pa rin ang kanilang relasyon sa gitna ng mga haka-hakang may pinagdadaanang problema ang kanilang pagsasama.

Sabi ni Matteo, “Maraming salamat, that's the whole purpose of love, you know.

“The whole purpose of love is to let everybody be happy.

“There's no reason, there's no touch of sadness or negativity.

“It's all about good vibes… so you're happy, everybody's happy, yun talaga yun.”

Nasa plano ba talaga na kasama nila ni Sarah na mag-date ang kanyang nakababatang kapatid?

Sabi ni Matteo, “Yeah, I guess hang out-hang out. Basta masaya lang kami, chill lang.”

Close na nga rin daw ang kani-kanilang pamilya sa isa't isa.

Sabi ng 26-year-old actor-singer, “They're close naman.

“I don't wanna say too much, but they’re close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everybody's happy, the whole family is happy with Sarah, she's an awesome girl.

“They usually have a good time together, family bonding kumbaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa premiere night ng pelikula niyang Tupang Ligaw, sa Fisher Mall, Quezon City.

LIZQUEN FANS. Samantala, wala pa naman daw natatanggap na pamba-bash si Matteo mula sa LizQuen fans bilang third wheel siya sa kanilang teleserye na Dolce Amore.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Ang babait nga nila, e.

“Natatakot ako sa umpisa dahil ang lakas nila.

“Pero nung mag-pose ako ng picture with Liza, sila na mismo ang nag-welcome, ‘Matteo, welcome!’

“So, maraming salamat sa kanila, it’s a blessing.

“Enrique is close to my heart, he’s a Cebuano also.

“And Liza, I spent some time with her in Rome, and ayos sila, ayos silang dalawa.”

Wala nga raw dahilan para magkaroon ng selosan sa pagitan nilang tatlo.

Giit ni Matteo, “Hindi naman, mabait naman si Enrique at mabait naman ako.

“Mabait at maayos kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN