Marian Rivera recalls first date with husband Dingdong Dantes after giving birth

Marian Rivera on fights with husband Dingdong Dantes: "Away? Wala nga, e. Actually, kahit noon, nag-aaway lang kami niyan kapag umaarte ako. Wala talagang literal na siya, ako lahat."


Mula nang magkaroon sila ng anak, minsan pa lang daw nagde-date ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kuwento ng aktres, “Pinost ko ‘yan [sa Instagram].

“Kasi nakakatuwa ang asawa ko. Nagpadala siya ng flowers, tapos may letter. Walang pangalan kung kanino galing.

“Parang sabi niya, ‘Puwede ba kitang i-date, ilabas, kasi alam ko, yung pagiging ina mo, you’re so dedicated and loving mom.’

“Sabi ko, ‘Sino ang nagpadala ng bulaklak sa akin?’

“Sabi ko kay Dong, ‘Dad, ang weird, may nagpadala sa akin ng bulaklak!’

“Nagsumbong agad ako. Walang pangalan.

“Tapos ang nakalagay dun, purple. Sabi ko, ‘Bakit purple, ano ‘to, babae?’

“Tapos, purple pala ang polo niya kapag nag-date kami!

“Tapos sabi niya sa telepono, ‘Kasi naman, napi-preempt, ako ‘yan,’ sabi niyang ganun. ‘Ang kulit-kulit mo!’

“Kaya nakakatuwa kasi, sabi ko nga, kahit may anak kami, iba pa rin ang pakiramdam.”

Feeling dalaga last night as i took a quick break from my MOMMY duties. Thank you Mama sa pag-alaga kay Letizia kagabi. ???????

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

Parang mas lalo siyang minahal ni Dingdong?

“Wala namang dahilan para hindi!” natawang sabi ni Marian.

“Pero sabi ko nga, talagang yung panalangin naming mag-asawa na maging strong ang pagsasama namin, lumaking mabait na bata si Zia, at marami pang dumating na supling, di ba?”

Nag-aaway o nagkakatampuhan pa ba sila ni Dingdong?

Sagot ni Marian, “Away? Wala nga, e.

“Actually, kahit noon, nag-aaway lang kami niyan kapag umaarte ako.

“Wala talagang literal na siya, ako lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN