Marian Rivera and Dingdong Dantes to support Grace Poe, Leni Robredo?

Dahil na rin sa asawa niyang si Dingdong Dantes, nakikilala rin daw ni Marian Rivera ang mga pulitikong tumatakbo sa iba't ibang posisyon sa darating na halalan. Pahayag ng Kapuso Primetime Queen, "Actually, nag-uusap kami at ang maganda niyan, nakikilala ko ang mga nasa pulitika, kung ano ang adhikain nila sa bansa, ano ang gagawin nila."


Nilinaw ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na walang bahid ng pulitika ang pagkuha nila ng mister niyang si Dingdong Dantes kay Senator Grace Poe bilang isa sa mga ninang ng kanilang anak na si Maria Letizia.

Sabi ni Marian, “Siyempre ayoko namang haluan yung binyag ni Zia ng kapulitikahan, hindi ba?

“At saka, for sure naman, bago dumating ang ano… si Dong na ang bahala diyan na mag-handle.

“Basta ako, asawa lang at may anak, okey na yun.”

Si Grace ay tumatakbong presidente sa 2016 elections.

May say rin ba si Marian kung sino ang pipiliin ni Dingdong na iendorso?

Ayon kay Marian, “Actually, nag-uusap kami at ang maganda niyan, nakikilala ko ang mga nasa pulitika, kung ano ang adhikain nila sa bansa, ano ang gagawin nila.

“Like Leni Robredo, may intimate [dinner] siya, pinuntahan ko at pinakinggan ko siya.”

Nakumbinsi ba siya sa mga narinig kay Leni, na tumatakbo sa pagka-vice presidente?

Tugon ng Kapuso actress, “Mabait siyang tao.

“Nakinig lang naman ako sa kanya at wala naman sigurong masama kung makinig ako sa bawat pulitika na masasabi kung ano ang adhikain nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN