Alma Moreno opposes Manny Pacquiao's view on same-sex marriage

Hindi sang-ayon si Alma Moreno sa pahayag ng kapartido nitong si Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage. Ayon kay Alma, dapat hindi ginagamit ang relihiyon upang mang-insulto ng kapwa.


Hindi rin pabor si Parañaque councilor at UNA (United Nationalist Alliance) senatorial candidate Alma Moreno sa naging pahayag ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

Magkapartido sina Alma at Manny sa UNA na ang standard bearer ay si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Alma, nirerespeto niya si Manny dahil sa karangalang naibigay nito sa ating bansa sa pamamagitan ng boxing.

Ngunit hindi siya sang-ayon sa pagkumpara nito sa miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) sa hayop.

Sa ulat ng inquirer.net nitong nakaraang Huwebes, February 18, sinabi ni Alma na mahigpit niyang tinutulan ang pahayag ni Manny na "masahol pa sa hayop" ang pagpapakasal sa kaparehong kasarian.

Sabi ng dating aktres, “Nirerespeto ko si Cong. Manny Pacquiao, lalo na sa karangalan na dala niya sa ating bayan, at alam kong mabuti siyang tao at Kristiyano.

“Pero paumanhin sa kanya, but I will have to disagree dun sa sinabi niya na mas masahol pa sa hayop ang same-sex relationships.”

Dagdag pa niya, dapat daw hindi ginagamit ang relihiyon sa pag-insulto sa mga tao.

Marami raw siyang kakilalang mga disenteng miyembro ng LGBT na responsableng taxpayers at angat sa kanilang propesyon.

“Whatever ang ating personal na paniniwala, di ito dapat maging basehan para insultuhin ang kapwa.

"We are accountable only for our own actions.

“Ang dami kong kilala na mga gay na napakadisente, na nagbabayad ng tamang buwis, na maraming naiambag sa industriya at sa iba’t ibang larangan tulad ng business, akademya, at pati na sa pulitika.

“Kaya I think, at the very least, they deserve our respect.”

Nitong nakaraang Nobyembre lamang, nasangkot din sa isang kontrobersiya si Alma matapos itong magisa ni Karen Davila sa programa nito sa telebisyon. Hindi kasi niya nasagot ang ilang tanong ng brodkaster hinggil sa legislation.

Sa naturang panayam din ay sinabi ni Alma na kasalanan ang same-sex marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN