Kim Chiu ends speculations about her 'nose job'

Tuluyan nang tinuldukan ni Kim Chiu ang usapin tungkol sa pagpaparetoke diumano ng ilong. Matagal nang usap-usapan ang diumano'y pagpapatangos ng ilong ni Kim paglabas niya ng Pinoy Big Brother house noong 2006.


Hindi pa rin tinatantanan ng ilang bashers ang Kapamilya star na si Kim Chiu tungkol sa usap-usapang nagparetoke diumano siya ng ilong.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay muling sinagot ng 25-year-old actress ang isyu.

Kagabi, February 19, nag-post si Kim ng larawan niya na kuha noong taong 2014 kung saan kita ang sugat sa kanyang ilong.

Sabi pa sa caption ng The Story of Us star: “Here it is.. don't want to post this na sana pero para matigil na.. some people don't understand puberty and what make up can do (thanks to my makeup artists).

“Ayan na po, last 2014 I got into a car accident and my nose got hit sa bakal ng car, it was bleeding so hard na ayaw tumigil that i was so scared.

“Kaya nagpa-check up ako and pina-Xray… when i got the result, its kinda off kasi the nurse told me 'Ay, 'Ma'am kim tunay pala ilong mo?'

“Kinda off yung nurse but i just walk away.. #2014photo #justwannashare

April 23, 2014, nagtamo ng injury si Kim sa kanyang ilong matapos ang isang minor car accident.

Papunta si Kim noon sa taping ng teleseryeng Ikaw Lamang sa may Commonwealth, Quezon City, nang biglang nagpreno ang driver ng kanyang sasakyan dahil may iniwasang 'tricycle o jeepney’ at tumilapon ang PBB Teen Edition alumna sa may bandang harapan ng sasakyan.

Read: Kim Chiu suffers nose injury after minor car accident

Taong 2011, pinabulaanan na rin niya ang tungkol sa kanyang pagpapa-nose job diumano.

Read: Kim Chiu denies having had a 'nose job'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN