James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

Sa wakas, umamin na sina James Reid at Nadine Lustre na may relasyon na sila sa totoong buhay. Ginawa ng dalawa ang pag-amin sa backstage interview nila pagkatapos ng JaDine In Love concert kagabi, February 20, sa Smart-Araneta Coliseum.


Kumpirmadong magkarelasyon na sa totoong buhay ang magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre.

February 11, 2016 naging opisyal na magkasintahan ang dalawang Viva at Kapamilya stars.

Ginawa nina James at Nadine ang pag-amin sa concert nilang JaDine in Love sa Smart-Araneta Coliseum nitong Sabado ng gabi, February 20.

Ang naturang concert ay kaugnay ng pagtatapos ng matagumpay nilang primetime series sa ABS-CBN, ang On The Wings Of Love, sa susunod na linggo.

Naging palaisipan ngunit ikinakilig nang husto ng JaDine fans ang pagsasabi ni James ng “I love you” kay Nadine sa pagtatapos ng kanilang concert.

Yun pala ay dahil sila na talaga sa totoong buhay.

Kaagad namang nag-post ang ilang mga miyembro ng media, kabilang na si MJ Felipe ng ABS-CBN, ng "big announcement" na ito nina James at Nadine:

Sa tweet ng ABS-CBN reporter, ikinuwento ni James ang dahilan ng pagsabi niya ng "I love you” kay Nadine. Hindi raw talaga ito planado.

Sabi ng OTWOL actor, “I said it 'coz I really love her.”

Sinagot naman ni Nadine si James ng: “I love you, too.”

Matagal nang umaasa ang JaDine fans na magkaroon ng relasyon sa totoong buhay sina James at Nadine.

Madalas sabihin noon ng dalawa sa interviews na matalik lamang silang magkaibigan at walang namamagitan sa kanila higit pa rito.

Pero sa kabila nito ay naba-bash pa rin nang husto si James kapag nababalitang may kasama o nali-link sa kanyang ibang babae, partikular na ang Kapamilya young actress na si Julia Barretto.

Mariing itinanggi ni James ang naturang isyu.

Ngunit sa panayam ni Nadine sa YES! magazine February 2016 issue, inamin nitong posibleng maging sila ni James sa totoong buhay.

Read: Nadine Lustre on possible romance with James Reid: 'May chance naman po.'

Matagal na rin kasi ang kanilang samahan bilang magka-love team, simula pa sa pelikulang Diary ng Panget (2014).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong tuloy ng mga fans na nagpadala ng direct messages sa amin sa Instagram: baka matagal na talaga sila at ngayon lang umamin?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN