TV5 on Manny Pacquiao's 30-second video: "Minimally edited in good faith and with reasonable care."

Pinabulaanan ng TV5 na may iba silang intensiyon sa pag-upload ng 30-second video ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao tungkol sa kanyang pananaw sa same-sex marriage. Nailabas din daw nila ang kabuuang pahayag nito tungkol sa kanyang "mas masahol pa sa hayop" statement sa mga taong magpapakasal na may kaparehong kasarian ng kaparehong araw na lumabas ang viral video ng mambabatas.


“In good faith and with reasonable care.”

Ito ang bahagi ng pahayag ng TV5 na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Linggo ng hapon, February 21.

Kaugnay pa rin ito sa 30-second video ni Sarangani Representative Manny Pacquiao na in-upload sa internet noong February 16, kung saan inihalintulad nito sa hayop ang mga taong may kaparehong kasarian na balak magpakasal.

Laman ng sinabi ng Pambansang Kamao sa 30-second video clip na naging viral kaagad matapos itong ma-upload: “Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae, babae, o di ba?

"Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao, o di ba?”

"NOT SPLICED.” Ayon sa pamunuaan ng TV5, "The video that was posted online was not spliced but minimally edited in good faith and with reasonable care.

"There was no intention to change the context or misrepresent the essence of Mr. Paqcuiao’s statements.”

Binatikos ng dating KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) National President na si Mario Garcia ang naturang "spliced" video, at pinuna niya ang maling hakbang na ito dahil "taken out of context" ang kinalabasan ng pahayag ni Pacman.

May kaakibat kasing paliwanag ang naging pananaw ni Manny sa same-sex marriage sa lumabas namang one-minute video nitong nakaraang Biyernes, February 19.

Sabi ni Mario, “Naipaliwanag pala niya dun sa kabuuan ng statement [yung gusto niyang mensahe na sabihin].

“Palibahasa na-edit yung kanyang statement, nagkaroon ng masamang meaning, naka-explain pala dun, e, yung konteksto nung sinabi.

“Hindi tama yung mag-edit [out]. Bawal sa code yun [ng KBP].

“Hindi pupuwedeng ie-edit mo yung statement para yung statement will be taken out of context.

“The statement was taken out of context dahil in-edit. Pinutol. Malisyoso yun.

“May intention to sensationalize [the interview], obviously.

“Kung mahaba yung statement tapos pinutol, e, di sumama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: TV5 in hot water over 'malicious editing' of Manny Pacquiao's interview

Paliwanag pa ng Kapatid Network, nabigyan nila ng unedited full footage si Manny sa kanyang panayam para sa kanilang election coverage na Bilang Pilipino.

“On the same day the video was posted, News5 gave the full raw video to Mr. Pacquiao's camp, after which he issued his apology in social media.”

Naipalabas din daw nila ang buong pahayag sa kanilang primetime newscast kinagabihan ang buong konteksto ng interview ni Manny.

Dagdag pa sa kanilang pahayag, “Moreover, the video of Mr. Pacquiao ‘s interview was likewise broadcast in its entirety on TV5, on the primetime newscast of Aksyon on February 16, 2016.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN