Katrina Halili not longing for a love life: "Masaya na ako sa buhay ko."

Katrina Halili has been single since her breakup with Kris Lawrence, and is happy to have found bliss in the sublime. She says, "Siguro naging masaya na lang sa buhay, hindi kagaya dati na hinahanap mo sa mga boyfriend ang happiness mo. Ngayon, wala na, nakita ko na."


Mula nang magkaroon ng kanyang sariling anak si Katrina Halili ay malaki na ang pinagbago ng pananaw niya sa buhay, kabilang na ang pagkakaroon ng love life.

Hindi na raw prayoridad ng Kapuso actress ang pagkakaroon ng boyfriend.

Sabi niya, “Hindi na kagaya dati, di ba, na gusto mo palaging may boyfriend?

“Ngayon hindi na, masaya na ako sa buhay ko.”

Pagkatapos ng relasyon nila ni Kris Lawrence, wala na talaga siyang nakarelasyon pa?

“Wala na,” diin ni Katrina.

“Pero bago siya, talagang longing ako sa love.

“Pero after dun, wala na.”

Na-trauma ba siya?

“Na-trauma?

“Siguro naging masaya na lang sa buhay, hindi kagaya dati na hinahanap mo sa mga boyfriend ang happiness mo.

“Ngayon, wala na, nakita ko na.

“Nakita ko na kay God, sa anak ko, sa family. Totoo po, e.

“Dati talaga, dapat meron lagi.

“Nalulungkot ako. Ngayon, hindi talaga. Ang tagal na.”

FAG HAG, NOT. Pero may mga nanliligaw naman sa kanya?

“Nanliligaw? Wala, natatakot yata sa akin, e!” tawa niya.

Hindi na rin daw kasi siya gumigimik at ang kasama pa niya madalas ay mga kaibigan niyang bading na puro guwapo.

Kung ganoon, posible kaya na katulad ng ibang babae, ma-in-love rin si Katrina sa bading?

“Magkakagusto ko sa bading? Ano, kagaya ni Destiny na mahaba rin ang buhok?” pagtukoy niya sa ginagampanang papel ni Ken Chan sa kanilang afternoon soap na Destiny Rose.

Katulad halimbawa ng mga kaibigan niyang bading.

Sabi ni Katrina, “Ay, nasusuka sila sa akin! Paano mangyayari yun?

“Nagsusukahan kaming dalawa. So, paano ka mapu-fall [in love]?”

Hindi ba naman siya naiinggit kay Ken bilang Destiny Rose sa ganda at kaseksihan nito?

“Bakit? Subukan nating tanggalin ang foam niya sa puwet saka yung dede niyang foam, tingnan natin!” natatawang biro ni Katrina.

IMPRESSED WITH KEN. Pero hanga at natutuwa raw si Katrina kay Ken dahil dalang-dala nito ang pagiging Destiny Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa siya, feel na feel niya ang character.”

Hindi ba naman niya pinagdududahan si Ken?

“Hindi ko alam!” natawa niyang sabi.

“Nakakahiya namang magtanong. Ang galing niya talaga. Ang galing niya.

“Para ko ng kapatid yun, e.”

May duda ba siya kay Ken?

“Ang galing, e! Hindi ko alam!

“Ang galing niya, e, parang hindi umaarte.”

Sa galing, parang natural na ang dating sa kanya?

“Ay, ayoko pong mag-comment ng ganun, pero ang galing niya,” ulit ni Katrina.

ON PACMAN'S CONTROVERSIAL STATEMENT. Dahil bahagi siya ng Destiny Rose, na ang tema ay tungkol sa transgender at pagtanggap dito, ano ang reaksiyon ni Katrina sa kontrobersyal na pahayag ni Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage?

Aniya, “Ayoko na pong mag-comment sa ganun.

“May mga nanay-nanayan din akong mga bading at halos lahat ng katrabaho ko rito.

“Wala na po akong comment sa sinabi ni Sir Manny Pacquiao.”

Katulad ni Manny, sa Victory Christian Fellowship din uma-attend si Katrina.

Naiintindihan ba niya ang pinanggagalingan ni Manny?

“Siguro po, yung pagkakasabi lang, medyo ang hard lang, di ba?” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN