(UPDATED) Manny Pacquiao's business manager: "That is not the house of Krista Ranillo!"

Namataan ang campaign car ni Manny Pacquiao sa loob ng isang executive village sa Quezon City. Ayon sa Facebook user na nag-post ng larawan, ang may-ari ng mansion kung saan naka-park ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang babaeng naugnay noon kay Manny.


Ano ang ginagawa ng campaign vehicle ni Manny Pacquiao sa harap ng isang bahay sa isang executive village sa Quezon City?

Nilinaw ng kampo ni Manny na, unang-una, hindi sa kanya ang campaign vehicle.

Pag-aari raw ito ni Jake Joson, ang chief of staff ng Pambansang Kamao.

Matatandaang kagabi, February 22, nag-post ng larawan ang Facebook user na si Lorraine Marie Badoy sa kanyang account.

Ayon kay Lorraine, nakita niyang naka-park ang campaign car ng Pambansang Kamao at Sarangani representative sa harap ng isang mansion sa kanilang village sa Loyola Grand Villas, sa may Quezon City.

Hindi pinangalanan ni Lorraine kung kanino ang bahay na makikita sa larawan, ngunit base sa kanyang paglalarawan, isang babaeng naugnay noon kay Manny ang may-ari nito.

Hindi rin nabanggit kung naroon mismo si Pacquiao.

Ang Facebook post na ito ay kasalukuyang may mahigit 700 shares na.

Ang tahanan ni Manny kung siya ay nasa Metro Manila ay sa Forbes Park sa Makati City.

WHO IS THE OWNER? Ayon business manager ni Manny Pacquiao na si Arnold Vegafria, ang naturang bahay ay pag-aari rin ni Jake.

Sa pamamagitan ng panayam sa telepono, sinabi ni Vegafria, “That is not the house of Krista Ranillo!

“That is the house of Jake. Ask the guards.

“The blue Ford car is also owned by Jake.”

Binalot daw ito ng sticker “three weeks ago.”

Kung babasahin ang mga komento sa naturang post, may isang nag-post ng larawan ni Manny na tila may kausap na mga lalaki.

Sa bandang likuran naman niya sa kanan ay makikita ang isang babae na tila kabababa lamang ng sasakyan.

Hindi malinaw kung sino ang babae, ngunit isang nakakita ng post ang nag-comment, “It's the same lady pa rin? From afar she looks like that Ranillo actor's daughter.”

Sa pagsasaliksik ng PEP, kuha ang larawang ito noong kasagsagan ng balita tungkol kina Manny at Krista nung 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung babalikan ang mga nakaraang balita tungkol kay Manny, minsang na-link ang Pambansang Kamao sa dating sexy star na si Krista Ranillo, anak ng aktor na si Mat Ranillo III.

Sa artikulong naisulat sa Bandera noong 2009, na may pamagat na “Krista, 'asawa' ni Pacman sa Baguio?,” nabanggit ditong binalak nina Krista at dati niyang boyfriend na si director Dominic Zapata na bumili ng 500-square meters property sa Loyola Grand Villas.

Pero hindi raw ito natuloy dahil nagkakalabuan na ang dalawang dating magkasintahan.

Ayon pa rin sa artikulo, si Krista ang nagbigay ng downpayment, at ang dapat sana'y monthly amortization ay sasagutin ni Direk Dominic.

Gayunman, dahil noong panahong ito ay nali-link si Krista kay kay Manny, naisulat sa artikulo, “Hindi lang namin alam kung ipinatuloy ni Krista kay Pacman ang pagbabayad ng nasabing property.”

Dito ay nakasulat ding itinanggi ng kampo ni Manny na binigyan niya ng bahay at lupa si Krista.

Hindi rin nagtagal ang isyu tungkol sa Pinoy boxing champ at sa dating aktres.

July 2010 nang lumabas ang balitang ikinasal na ang dating aktres sa isang businessman sa Amerika.

Nang sumunod na buwan, nabalita namang ipinagbubuntis na niya ang kanilang anak.

Read: Krista Ranillo admits she is pregnant

Sa ngayon ay masayang naninirahan si Krista sa Beverly Hills kasama ang kanyang asawa at tatlong anak.

Thank you for always making me feel special @ninojeff ?? everyday is Valentine's Day with you! Nakssssss ???

A photo posted by Krista Ranillo-Lim (@kristaranillo) on

Sa kabilang banda, sinabi naman ng asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao na napatawad na niya si Krista.

Sa katunayan, sinabi pa niya sa artikulo ng PEP.ph noong May 2011, “I feel happy para sa kanya na may pamilya na siya, may anak na siya.

“Alam kong masaya siya sa kanyang first baby.”

Read: Jinkee Pacquiao has forgiven Krista Ranillo; admits husband Manny Pacquiao gets jealous sometimes

May 2010 nang mahalal si Manny Pacquiao bilang Sarangani representative. Nasa ikalawang termino na siya ngayon sa kanyang tungkulin bilang congressman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong paparating na halalan, tatakbo si Pacquiao bilang senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) party ni Vice President Jejomar Binay.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng mga taong nabanggit sa artikulong ito upang linawin ang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN