KC Concepcion reminds everyone about safety measures on the road

Nag-alala si KC Concepcion sa isang pamilya na nakuhanan niya ng litrato habang sakay sa motorsiklo. Ang driver lang kasi ang nakasuot ng helmet samantalang walang suot ang kanyang mga sakay, kabilang na ang isang bata.


Halos araw-araw ay hindi nawawalan ng balita tungkol sa mga aksidente sa kalsada, partikular na ang mga nagmamaneho at mga nakasakay sa mga motorsiko.

Isa kasing dahilan ng pagkamatay ng naaaksidente sa motorsiklo ay ang hindi pagsusuot ng helmet.

Ito ang ikinaalarma ng Kapamilya TV host-actress na si KC Concepcion.

Noong Linggo, February 14, habang sakay si KC ng kanyang sasakyan, nakakita siya ng isang pamilya na nakasakay sa motorsiklo—isang lalaki, isang babae, at isang bata.

Makikita sa larawan na ang driver lang ang naka-helmet.

Sabi ni KC sa Instagram: “Road regulations, anyone? A family that rides like this together might not make it home together!!! Ohhhhhh #MetroManila #SafetyFirst.”

Nakasaad sa Section 3 ng R.A. No. 10054 ang sumusunod: “Mandatory Use of Motorcycle Helmets. All motorcycle riders, including drivers and back riders, shall at all times wear standard protective motorcycle helmets while driving, whether long or short drives, in any type of road and highway.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN