Martin del Rosario reveals realization after his nude-photo scandal

Martin del Rosario on hus nude-photo scandal: "Gusto ko nang matapos, mag-move on na lahat, kasi sa totoo, ako nga yung nasa picture, pero yun nga, mag-move on na lang lahat ng mga tao."


May mahalagang leksiyon daw na natutunan ang Kapuso actor na si Martin del Rosario sa pagkalat ng nude picture niya sa Internet.

Read: Martin del Rosario admits viral nude photo scandal: 'Oo, ako 'yan.'

Pahayag niya, “Lahat po naman ng tao kasi may, di ba, nangyayari naman yung ganyan? Lalo na ngayon, ang daming ano [video scandals].

“So, ako, ang realization ko is mag-iingat na lang, mag-iingat na lang sa mga ganun.

“Lalo na artista po ako, dapat mag-set ako ng example.

“Kaya nga nag-sorry ako sa mga taong na-offend dun sa picture, ganyan, and, ayun nga, na dapat ako, mag-ingat na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa last taping day ng GMA afternoon soap na Buena Familia, noong Lunes, February 22, sa New Manila, Quezon City.

CLUELESS. Hindi pa rin nagbabago ang pahayag ni Martin na hindi niya alam kung saan, paano, at kung sino ang kumuha ng kanyang nude photo.

“Hindi ko talaga alam, hindi ko matandaan kung saan.

“Hindi ko talaga matandaan kung saan yun...

“Hindi ko alam, baka umihi lang ako that time or bagong ligo, hindi ko alam kung bakit nakabukas yung [pinto].

“Siguro baka ka-close ko yun, baka mga kaibigan ko pa yung mga yun.”

Ang tinutukoy ni Martin ay kung sino ang posibleng kumuha ng litratong wala siyang suot na underwear.

“So, malamang, mga barkada ko, siguro mga lokohan lang.

“I’m sure mga kaibigan ko yun, wala naman silang intensiyon na kumalat ‘yan.

“So, hindi ko na inalam kung paano, hindi ko na tinrace kung saan nakuha ‘yan.

“Basta iyon lang, mag-iingat na lang ako.”

Hindi raw niya naisip kumprontahin pa kung sino ang kumuha ng kanyang litrato.

“Hindi, kasi parang feeling ko, baka mga kaibigan ko.

“Isa yun sa mga kaibigan ko, e, and hindi naman nila gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, baka nawala yung [phone]…”

Hindi na rin daw siya nag-effort na alamin at hanapin kung sino ang ‘salarin.’

“Hindi, hindi na… Kasi, una, lugar pa lang, simulan ko pa lang sa lugar, hindi ko na matandaan.

“E, mamaya makapagsisi pa ako ng tao na hindi naman talaga siya.”

Hindi raw sa bahay nila ang kuwarto kung saan nakuhanan siya ng naturang litrato.

MORE PUBLICITY. Pero aminado si Martin na nakadagdag ng ingay para sa kanya ang pagkalat ng nude photo niya.

“Opo, napag-usapan naman po!” natawang sabi niya.

“Pero siyempre, gusto ko sana, next time, mas wholesome naman!”

Kung siya ay litrato lang ang kumalat, ang ibang male celebrities ay mayroong video scandals.

Reaksiyon ni Martin tungkol dito, “Opo, picture lang.

“At saka parang wala naman po akong ginagawa dun sa… wala akong kasama, wala, wala.

“Walang sexual, wala naman, nakaganun [nakahubad] lang ako.”

Sigurado ba siyang wala nang lalabas pang nude photo o di kaya’y video niya?

Sagot ni Martin, “Wala, wala po, wala po.

“Usually kasi, di ba, nangyayari ‘yan pag di ka nag-ingat...

“Ngayon, sobrang aware ako na ikasisira yun ng career, ganyan.”

MORE FOLLOWERS. May mensahe ba siya sa mga taong nagkakalat ng mga ganitong photo o video scandal?

Saad ng aktor, “Sana huwag na lang nilang ikalat.

“Kasi siyempre, sana isipin nila yung tao na ikinalat nila, dahil masisira yung buhay, ganyan.

“Iisipin mo yung family, yung reaction ng mga pamilya ng mga taong yun.

“So, sana hindi sila nakakakuha ng pleasure sa pagkakalat ng mga ganung bagay.”

Dumami ba ang ‘indecent proposals’ sa kanya sa paglabas ng naturang litrato niya?

“Dumami ang followers!” at tumawa si Martin.

“Hindi… ang daming nag-comment-comment.

“Pero kasi, kaya nga gusto ko nang matapos, mag-move on na lahat, kasi sa totoo, ako nga yung nasa picture, pero yun nga, mag-move on na lang lahat ng mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw siyang nakukuhang indecent proposal.

Sabi ni Martin, “Kasi ako, sa simula pa lang, sa hi, nag-hi pa lang, hindi na ako nagre-reply sa ganun.

“Hindi na umaabot dun sa offer-offer. Kasi dun pa lang sa simula ng message, hindi na ako nagre-reply.

“Pag hindi ko naman kilala, tapos magme-message na, ‘Ikaw ba itong nasa picture?’” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN