Kris Aquino: Yes to civil union, no to same-sex marriage

Kris Aquino says the Philippines is not yet ready for same-sex marriage. However, a couple of the same sex should have the option to be in a civil union.


Sang-ayon si Kris Aquino sa pagsasama ng dalawang taong may parehong kasarian, pero naniniwala siyang hindi pa handa ang Pilipinas sa pagkakaroon ng same-sex marriage.

“For as long as walang inaagrabyadong kapwa,” sagot ni Kris hinggil sa isyu ng same-sex marriage sa episode ng Kris TV nitong Martes, February 23.

Pumutok ang isyu tungkol sa same-sex marriage nang lumabas ang video ni Manny Pacquiao at sinabing hindi siya sang-ayon dito at "mas masahol pa sa hayop" ang pagpapakasal ng dalawang taong pareho ang kasarian.

Read: Aiza Seguerra calls Manny Pacquiao 'ignorant, bigoted hypocrite' because of his view on same-sex marriage

Bilang bahagi ng showbiz, sinabi ni Kris na marami siyang mga kaibigan na kabilang sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

“So, ako, ang sinasabi ko, I believe in love and I also believe in monogamy.

“So, sana kung yun ang choice mo [dapat stick to one].

“Malaking isyu ‘yan talaga right now.

“I don’t think we are prepared.

“We are not America. Hindi pa tayo handa sa ganoon.”

Payag naman daw ang TV host-actress sa pagkakaroon ng civil union ng dalawang taong may parehong kasarian upang mabigyan ng karapatan pagdating sa ari-arian.

“Ako naman, gusto kong mabigyan ng karapatan as far as inheritance is concerned, yung civil union.

“Civil union only because for partners who have been together, nagpundar together for so many years, tapos, di ba, hindi mo pwedeng iiwan sa kanya.

“Puwede sa will [and testament], pero legally wala nang habol and all. E, nagmahalan naman talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN