Toni Gonzaga still mum about her pregnancy

Married couple Paul Soriano and Toni Gonzaga have two new reasons to celebrate. Paul is the producer of the 8-hour film Hele Sa Hiwagan Hapis, which won an award at the Berlin filmfest; while Toni received an Hall of Fame award from Anak TV Seal.


Nananatiling tikom ang bibig ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa inilabas na report ng PEP na buntis na ang Kapamilya TV host-actress sa kanilang unang anak.

Read: Toni Gonzaga is pregnant!

Natiyempuhan ng PEP at Cinema News sina Toni at Paul sa 18th Anak TV Seal Awards kahapon, February 23, kung saan isa sa pinarangalan ang Home Sweetie Home actress.

Umiwas si Toni nang tanungin tungkol sa pagbubuntis niya.

Sabi ng TV host-actress, “Ang hirap nga, ang hirap... so, parang, I think this is not the right place and right moment to talk about it.

“Siguro may tamang panahon, huwag na muna na nating pangunahan.”

Si Paul, handa na bang maging isang ama?

Tugon ng director-producer, “I am ready since before. This year, next year or any year.”

Ikinasal sina Toni at Paul noong June 12, 2015.

Hindi rin nagbigay ng direktang pahayag si Toni tungkol sa balitang shelved muna ang gagawin sana niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Written In Our Stars, kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal, at Sam Milby.

“Parang hindi ko pa alam,” sabi ng Kapamilya star tungkol dito.

HALL OF FAMER. Samantala, ginawaran ng Makabata Hall of Fame award si Toni sa Anak TV Seal Awards; kasama sina Ted Failon, Kim Chiu, at Kim Atienza.

Nagpasalamat ang TV host-actress sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.

Mensahe niya, “Thank you very much, maraming-maraming salamat sa Anak TV sa parangal na ito.

“Twenty-three years old ako nung una ako nabigyan dito, and now, ngayong 32 na ako.”

Proud na proud naman si Paul sa achievement ng asawa.

Saad niya, “Hall of Famer!

“Of course, I am a proud husband and I’m excited to be here to share this wonderful moment with my wife.

“She’s not just a Hall of Famer of my life, she’s Hall of Famer of Anak TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maraming salamat sa Anak TV.”

BERLIN FILMFEST. Sa kabilang banda, ipinagmamalaki naman ni Toni ang pagwawagi ng pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis ng Silver Bear Alfred Bauer Prize sa katatapos lang na Berlin International Film Festival.

Si Paul ang producer ng pelikulang ito na idinirek ni Lav Diaz.    

Ayon kay Toni, “Yes, kadarating lang nila kagabi.

“Siyempre very happy and very proud sa naging achievement ng Philippine cinema.

“Congratulations to Direk Lav, kila Piolo [Pascual], kila John Lloyd [Cruz], Ms. Cherie Gil, Alessandra de Rossi…

“Sila talaga ang naging instrument kung bakit naging matagumpay ang pelikula.”

Ayon naman kay Paul, isang malaking tagumpay ito para sa Philippine cinema.

“We’re very, very excited about Berlin, but it’s Toni’s moment, so I’ll give it to her.

“It’s always an honor when Philippines now can be awarded and appreciated abroad.

“It’s a victory for Philippine cinema and for the country.

“Hopefully, the Filipinos will also support this very unique and powerful film,” sabi ni Paul.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN