Raymart Santiago says no to sleeping over at Claudine Barretto's place

It seems there are no second chances for Raymart Santiago  and Claudine Barretto. He says, "Siyempre noong pinakasalan ko si Claudine, akala mo may forever... lahat naman ng ikinasal, yun ang hinahangad, na magkasama kayo. Ngayon, ayusin na lang namin ang pagiging magulang namin. We failed as husband and wife; as parents, dapat ay buo kami."


Sinagot ng Kapuso actor na si Raymart Santiago ang lahat ng tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

Matagal nang hiwalay ang mag-asawa at ngayon ay nababalitang nagkaayos na sila, base sa mga pahayag ni Claudine sa interviews.

Nabanggit pa nga ni Claudine sa isang panayam na puwede nang matulog si Raymart sa kanyang bahay para makapiling ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino.

Read: Claudine Barretto allows estranged husband Raymart Santiago to sleep over at her house

Pero natatawang sabi ni Raymart, “Yun ang sabi niya, pero parang hindi ko rin type!

“Although, kung matutulog man ako dun, yun yung wala siya, may taping siya o may trabaho siya.”

Naiilang siya?

“Oo, e,” nakangiting pag-amin niya.

Isang beses sa isang linggo raw niya nakikita ang kanilang mga anak, pero nilinaw ni Raymart na wala namang limitasyon.

“Kahit araw-araw, puwede.

“Pero siyempre, may pasok din. Nakakausap ko naman.”

Hinaing pa niya, “Mahirap… mahirap kasi yung two years na hindi ko nakasama ang mga anak ko.

“May times na dinadala sila sa court, e, yun ang pinaka ayoko na nakikita silang nag-aalangan.

“Ayoko rin na maulit pa yun.”

May nakita ba siyang epekto sa kanilang mga anak ang sitwasyon nila noon?

Ayon kay Raymart, “Yung nakita ko lang, siyempre parang hindi na nila ako ganung nakikita, may distansiya.

“Yung time nga na matutulog kami sa hotel, kasama ko sila, ayaw, e. Ayaw ko rin madaliin.

“Pero happy rin ako na nag-effort din si Claudine, siya pa ang nagsabi na ganun.

“Mga bata yun, mahabang panahon din yung hindi kami nagkita, to think na very close ako sa mga anak ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kay Raymart sa presscon ng bago niyang panghapong serye sa GMA Network, ang Hanggang Makita Kang Muli, noong February 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COURT CASES. Ayon din kay Claudine, isinantabi muna nila ni Raymart ang mga kaso laban sa isa’t isa at maging ang pagpa-file ng annulment ay tila wala na sa plano nila.

Pahayag ni Raymart tungkol dito, “Yung kaso namin, itong patapos na, custody, properties.

“And walang annulment, umpisa pa lang.

“Yung custody, properties, financial support, parang kasama yun kapag nag-file ka ng annulment.

“Itong tatlo, patapos na, which are pinakamahirap.

“Dalawang taong mahigit din ‘to, nakakapagod.

“At alam din naman ng lahat ng tao na hiwalay kami.

“Dun na lang muna, pahinga na lang muna.”

Pero sabi ni Raymart, magpapa-file pa rin siguro sila ng annulment sa tamang panahon.

“Meron talaga, pero ngayon, rest muna.

“Parang ngayon ko lang kasi nakikita ang mga anak ko.

“Kapag binuksan mo ang annulment, yun na naman yun.

“Labas na naman ng ganun, which I don’t think handa na siya.

“Masakit yun, masakit.”

Yung tungkol naman sa custody, support at properties, nagkaroon na lang daw ng mutual agreement sina Raymart at Claudine.

“Hindi rin natapos ang kaso, so parang nagkaroon na lang talaga kami ng agreement.

“Yung sa amin, siguro yung annulment na lang ang kulang.

“Pero we’re open naman na hiwalay na tayo.”

Paano kung dumating ang panahong pareho silang may nahanap na bagong mamahalin at gustong pakasalan?

“Siguro that’s the time,” sambit ng aktor.

Dugtong din ni Raymart, “At magastos!”

NO MORE SECOND CHANCE. Masasabi ba niyang unti-unti na ngang naaayos ang hidwaan sa pagitan nila ni Claudine?

Sagot ni Raymart, “Well, civil.

“Kapag nag-uusap kami, puro tungkol sa mga bata lang.

“More than that, hindi na namin pinag-uusapan, ayoko na rin.

“Kung mapag-usapan niyo ang mga kaso, mag-iinit na naman.”

May mga umaasa pa ring magkabalikan silang dalawa, pero inilingan ito ni Raymart.

“Sa akin, tapos na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka mas mabuting magkaibigan kami at maging magulang sa mga anak namin.

“Parang mas magwu-work ng ganun.”

May regret ba siyang nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Claudine?

Saad ni Raymart, “Siyempre noong pinakasalan ko si Claudine, akala mo may forever.

"Well, lahat naman ng ikinasal, yun ang hinahangad, na magkasama kayo.

“Pero may mga pagkakataon talaga na ganoon ang nangyayari.

“Ngayon, ayusin na lang namin ang pagiging magulang namin.

“We failed as husband and wife; as parents, dapat ay buo kami.”

Wala pa rin ba siyang nahahanap na bagong mamahalin?

“Pahinga muna,” sambit ni Raymart.

“Kaibigan na lang. Mas maraming kaibigan, mas maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN