Jonalyn Viray now a Kapamilya; changes screen name to Jona

From being a Kapuso, Jonalyn Viray is now a Kapamilya. She made her first outing as a Kapamilya earlier in the grand press conference of We Will Survive wherein she sang the theme song "I Will Survive." She now also holds the screen name Jona.


Isa nang Kapamilya ang dating Kapuso singer na si Jonalyn Viray.

Kanina, February 24, sa grand press conference ng bagong ABS-CBN teleseryeng We Will Survive, na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros, ginulat ni Jonalyn ang media nang bigla siyang lumabas para kantahin ang theme song ng teleserye na “I Will Survive.”

Pagkatapos ng kanyang performance ay ipinakilala siya ng presscon host na bagong Kapamilyang si “Jona.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng kanyang performance, kinumpirma ni Jonalyn na ay isa na siyang Kapamilya.

Pahayag niya, “Siyempre po, very happy at kinakabahan po ako.

“Kinakabahan, yes, kasi siyempre bagong environment, bagong makakatrabaho.

“Pero masaya po ako kasi bagong experiences po ito para sa akin, so nae-excite po ako.”

Bakit niya napagdesisyunang lumipat sa Kapamilya network?

Sagot ni Jonalyn, “Mas nabigyan po nila ako ng tiwala sa ngayon at, kumbaga, meron pong naka-line up talaga na project for me.”

JONA. Bilang Kapamilya singer, makikilala na rin siya sa pangalang Jona.

Ano ang nag-udyok sa kanya para palitan ang screen name niya?

Sagot niya, “Actually, nickname ko po kasi siya, so yun po ang ibinigay sa akin na pangalan ngayon.

“Since it’s a fresh start, bagong home din po, bagong environment, so Jona.”

Ayon pa sa kanya, may posibilidad ding makasama siya sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.

“May possibility po kung mabibigyan po ako ng pagkakataon.”

Regular na ring nagpe-perform sa ASAP ang mga dating kasamahan ni Jonalyn sa Sunday All Stars na sina Jay-R, Kyla, at Mark Bautista.

Unang sumabak si Jonalyn sa pag-awit nang manalo siya sa singing talent search ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar noong 2004.

Pagkatapos nito ay nakasama siya sa musical-variety shows na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All-Stars.

Siya rin ang kumanta ng ilan sa kilalang theme songs ng mga teleserye ng Kapuso network; tulad ng Darna, Mulawin, Bakekang, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Maging Akin Ka Lamang, Kailan Ba Tama Ang Mali, at My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging miyembro rin siya ng grupong La Diva, kung saan nakasama niya ang kapwa Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Nakilala sila sa pag-awit ng theme song ng Gaano Kadalas Ang Minsan, Basahang Ginto, Rosalinda, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Legacy, Adarna, at One True Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN