Charice makes it to Forbes 30 Under 30 Asia List

Charice Pempengco is one of the 10 Filipinos included in Forbes magazine's 30 Under 30 Asia List.


Kabilang ang international singing sensation na si Charice Pempengco sa sampung Pilipinong nakapasok sa "30 Under 30 Asia List" ng Forbes magazine, na inilabas kahapon, February 25.

Ayon sa Forbes, ang listahan ay binubuo ng “top promising young leaders, daring entrepreneurs and game changers” mula sa 10 sections—entertainment and sports; the arts; media, marketing & advertising; retail & commerce; finance & venture capital; enterprise tech; consumer tech; social entrepreneur; at manufacturing & energy.

Ang 23-year-old Filipino singer ay kabilang sa 30 personalities na nakilala sa Asia sa larangan ng entertainment at sports.

Ang iba pang Pinoy na napabilang sa listahan ay sina: Xyra Cruz Bacani (photographer), Ronson Culibrina (artist), Koh Martinez Konozawa (retailer), Rachel de Villa (finance and venture capitalist), Valenice Balace (consumer technopreneur), Raphael Mijeno and Henry Motte-Muñoz (social entrepreneurs), Leandro Leviste (Solar Philippines founder), at Amin Hataman (inventor).

Ayon sa press statement ng Forbes, ang kanilang correspondents ang naghanap ng “best and brightest millenials” sa buong Asia.

Ang pinal na listahan ay pinagdesisyunan ng 30 judges, kabilang ang Malaysian Hollywood actress na si Michelle Yeoh.

“We then looked through and cut the list down for a few hundred names which were sent to our panel of 30 judges who helped decide who makes the final cut,” saad ng Forbes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN