Martin Nievera to take a break from ASAP

Aminado si Martin Nievera na isa na lang siya sa tinatawag na performers sa ASAP, ang Sunday musical show ng ABS-CBN na kinabibilangan niya ng halos dalawang dekada. Pero hinding-hindi naman daw iiwan ang naturang palabas.


Magku-concentrate daw muna ang Concert King na si Martin Nievera sa singing search na I Love OPM, kaya hindi na siya ganun kadalas mapapanood sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.

“I think so. I think that what’s gonna happen so I can concentrate on this show.

“They need me on this show,” pahayag ni Martin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I Love OPM ngayong Biyernes, February 26.

Si Martin ay isa sa Himmigration Officers o hurado sa I Love OPM, kasama sina Lani Misalucha at Toni Gonzaga.

Pero hindi naman daw niya iiwanan ang ASAP, kung saan halos 20 taon siyang nagsisilbing main host at performer.

Aniya, “I will never leave ASAP. ASAP will be forever part of my life even if I’m dead.

“That’s gonna be my love, I love that show, I love being on ABS-CBN.”

Tatakbo ang I Love OPM ng 11 linggo sa ere o hanggang April 24.

Kailan siya ulit babalik sa ASAP upang mag-perform?

Biro ni Martin, “Who knows, baka next Sunday… as a singer. I’m not a host anymore on ASAP.”

Ang tumatayong main hosts ngayon ng ASAP ay sina Toni Gonzaga, Luis Manzano, Piolo Pascual, at Sarah Geronimo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN