Melai Cantiveros, Pokwang recount how they survive worst moments in their lives

Melai cantiveros and Pokwang are out to prove they have what it takes to carry a show as the lead stars of We Will survive, the latest pre-primetime offering of ABS-CBN.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagsama ang dalawang mahuhusay na komedyante ng Kapamilya network na sina Pokwang at Melai Cantiveros sa isang programa.

Ito ay ang We Will Survive, ang bagong pre-primetime series ng ABS-CBN na magsisimula na sa Lunes, February 29.
 
Sa totoong buhay ay masasabing survivor sina Pokwang at Melai. 
 
Sa presscon ng We Will Survive noong February 24, Miyerkules, sa 9501 Restaurant, ibinahagi nila ang ilan sa naging karanasan nila sa buhay.
 
Ilang beses nang naikuwento ni Pokwang ang pinagdaanan niya nang malaglagan ng anak.
 
“Sa akin kasi, alam niyo namang lahat ‘yan, bilang ina, pinakamahirap ang mawalan ng anak.

“Yun ang na-survive ko nang bonggang-bongga.

“At ngayon, meron pa kong isang anak na pinag-aaral ko.

“Sa masakit sa likod na tuition, na-survive ko rin yun because of prayer.”
 
Hindi naman daw sineseryoso ni Melai ang mga pagsubok na dumarating sa kanya.
 
Aniya, “Ako naman po, thank you, Lord, kasi lahat naman ng problema, hindi ko naman sineseryoso.

“Parang ang pinaka-nahirapan talaga ako ay noong nanganak ako, three days labor.
 
“Akala ko hindi na ko makaka-survive, nang lumabas lang, thank you, Lord.

“Ang tagal kasi, pina-advance ko, parang na-bored na ako nine months siya.

“Pina-advance ko, kaya nag-three days labor kasi in-induce ako.

“Akala ko, I cannot survive, so thank you, Lord.”

SMOOTH LOVE LIFE. May nakikita ba naman sina Pokwang at Melai na puwede pang mangyari sa kani-kanilang love life na kailangan nilang ma-survive?

Si Melai ay asawa ni Jason Francisco, habang si Pokwang ay girlfriend ng American actor na si Lee O'Brian.
 
Ayon kay Melai, “Ako, ayoko talagang magbitiw ng isang salita kaya dadamihan ko na lang.

“Pero ako talaga, open ako na nakasal kami, thank you, Lord.
 
“Sobrang thank you ako kay Lord na gina-guide niya kami sa family, kasi hindi mo naman alam ang pagsubok ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka sa future, may mangyaring mga ganito kaya palagi na lang akong nagdarasal.

“Na sana ma-survive naming mag-asawa, na, in the end, kami pa rin.
 
“Kasi hindi naman puwedeng kapag nakasal kayo, happy ever after, hindi yun. 

“Diyan nag-start ang inyong journey.

“Kaya kami ni Jason Francisco palagi kaming nagdarasal kay Lord.”
 
Sa sitwasyon naman ni Pokwang, aniya, “Sa love life, siyempre, mas marami akong napagdaanan kesa kay Melai.
 
“Tinutulak ako, love life nga bang matatawag yun na tinutulak ako sa hagdan?

“Na-survive ko yung tinutulak ka sa hagdan, yung love life ko ngayon…hindi pa kami kasal.

“Puwedeng marami pang mangyari kung anuman.
 
“Pero masu-survive namin yun kasi sobra naming pinagkakatiwalaan ang isa’t-isa. 

“Yun po ang importante, tiwala sa isa’t-isa.”
 
CRAZY NATURAL. Kilala bilang mga komedyante sina Pokwang at Melai, pero sa teleserye nila, hindi lamang sila magpapatawa, magpapaiyak din.
 
Ibig sabihin ay may tiwala sa kanila ang network na kaya nilang sumabak sa drama.
 
Ani Pokwang, “Siyempre, nakakatuwa, ibig sabihin nagagawa namin nang tama kung ano po ang hinihingi sa amin. 

“Pero dito po sa We Will Survive, ipinapangako po namin na hindi lang ito puro tawa, hindi lang ito puro iyak.
 
“Ito po yung realidad ng buhay ng magkakaibigan, pamilya, bawat pamilya.

“Kaya kapag napanood mo ito, iiyak kasi maaalala mo, ‘Oo nga, ganyan ako, yung kaibigan ko.’

“Makaka-relate kayo at matatawa ka talaga.
 
“Hindi po kami puro drama, puro comedy, halo pong emosyun ‘yan.

“Gagawin namin kayong mga baliw.”

Sabi naman ni Melai, “Kaya nga po sobrang pasasalamat namin sa mga staff.

“Tinutulungan nila kaming maging natural, hindi nila kami pinagmamadali.

“Kusang lumalabas ang emosyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN