Ella Cruz posts moments with Alden Richards and Maine Mendoza

Ella Cruz shares happy moments with Maine Mendoza and Alden Richards during an event last Friday, February 26, 2016.


Nag-post sa Instagram ng kanyang larawan si Ella Cruz kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza nang magkasama-sama sila sa isang event ng isang telecommunications company na ini-endorse ng AlDub, sa Mall of Asia Arena, noong Biyernes, February 26.

Unang ipinost ni Ella ang “showdown” video clip nila ni Maine sa dance song na “Twerk It Like Miley,” na ginawan ng dance video ni Ella at umabot ng milyun-milyong views.

Start twerk it like MAINEy! ???????????? #TNTSuperPanaloDay

A video posted by Ella Cruz ??? (@itsellacruz) on

Sumunod niyang ibinahagi ang pagkikita nila ni Alden.

Ani Ella, bungad daw sa kanya ng Pambansang Bae ay mag-Snap Chat sila, isang mobile app.

Ikatlong ibinahagi ni Ella ay ang wacky photo nila ni Maine.

Sabi pa ni Ella, kinilig siya dahil nang makita siya ni Maine ay biglang sumayaw ang Kapuso star ng "Twerk It Like Miley."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN